Ang “fake news” ay halos ang balita nitong mga huling buwan ng 2017.
Mocha Uson idinemanda dahil sa pagkakalat ng fake news; mga panukalang-batas na naghahangad na parusahan ang fake news ay isinampa; ang mga ahensya ng gobyerno ay nagkakalat ng disimpormasyon tungkol sa karapatang pantao; mga ministro ng ASEAN na pinamumunuan ng Pilipinas nagpanukala ng isang regional literacy program para labanan ang fake news.
Mula Agosto 26, sinusubaybayan ng VERA Files Fact Check ang fake news Linggo-Linggo balita, gamit ang iba’t ibang mga tool online para matukoy ang pinaka-viral na mga pekeng ulat, at inilalantad ang mga ito sa pamamagitan ng makatotohanang ebidensya.
Lumitaw ang mga pattern mula sa aming 16 na linggo ng pagbabantay sa fake news hanggang sa kasalukuyan.
1. Ang mga fake news na pinakamadalas ma-share ay lumilitaw na pinakikinabangan ng dalawang tao: Pangulong Rodrigo Duterte at Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Pinakikita ng chart na ito ang pinaka-viral na fake news bawat linggo mula sa katapusan ng Agosto at ang tinatayang bilang ng mga tao na naabot nila online. Ang sukat ng mga bilog ay nagpapakita ng kanilang pinakamataas na pagiging viral, sinusukat sa mga likes na nakukuha sa bawat oras.
Ang 12 pulang bilog ng kabuuang 16 na nag aangat kay Presidente Rodrigo Duterte, ang kanyang mga patakaran at ang kanyang administrasyon. Kung hindi, inaatake nila ang kanyang mga kritiko.
Ang natitirang apat na bilog, kulay berde, ay nagpapakita ng isa pang natatanging nakinabang sa magandang fake news, si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. o ang kanyang pamilya sa pangkalahatan.
Ang mga ulat na ito na pro-Marcos ay karaniwang tungkol sa maling pahayag ng tagumpay sa hindi pa nadedesisyunan na kaso laban kay Vice President Leni Robredo.
2. Ang pinaka-viral na fake news ay bunga ng Facebook shares at kumakalat sa pamamagitan ng isang network ng mga pahina.
Ang trapiko sa mga website na naglalaman ng fake news ay nabuo sa pamamagitan ng isang network ng mga pahina ng Facebook, maraming nagdadala ng pangalan ng alinman sa Duterte o Marcos.
Si Sen. Paolo Benigno “Bam” Aquino IV ay gumawa ng parehong obserbasyon sa pagdinig ng Senado sa fake news noong Oktubre, noong inilabas niya ang isang listahan ng 87 mga website, 95 Facebook at 56 na mga pahina ng Youtube na nagkakalat ng maling nilalaman.
Maraming sa mga account sa listahan ang “dala ang pangalan” na Duterte, sinabi niya. (Tingnan Aquino list shows many fake news sites bear Duterte’s name)
Itinanggi ni Presidential Communications Undersecretary Joel Sy Egco na may kinalaman ang Malacañang sa mga site, sinabing madali gumawa ng isang website at ipangalan ito sa sinumang tao.
Si Marcos sa isang hiwalay na okasyon ay nagpahayag na ang kanyang pamilya ay biktima ng fake news sa loob ng tatlong dekada, sa kabila ng katibayan na nagtuturo sa kanilang sariling kasinungalingan. (Tingnan VERA FILES YEARENDER: Despite Marcos burial at LNMB, facts about his fake heroism remain)
Ipinapakita ng shart kung paano kumalat ang pinaka-viral na fake news sa pamamagitan ng mga pakikipag-ugnayan ng iba’t ibang mga pahina ng web at Facebook. Ang kapal ng mga linya ay nagpapakita kung gaano karaming mga online na user ang naabot ng pekeng mga ulat.
Ang problema ng fake news at ang mga epekto nito sa pampublikong polisiya ay nagiging mas nakababahala kapag isinaalang-alang ang Enero 2017 report ng We Are Social at Hootsuite, na nagsabing ang Pilipinas ang nangunguna sa mga bansa na na-survey kaugnay ng oras na ginugol sa social media.
3. Ang mga site ng aggregator ng nilalaman at nakaliligaw na mga headline, higit sa tahasang kasinungalingan, ay pinapaboran ng mga tagalikha ng fake news.
Ang chart na ito ay nagpapakita ng mga stratehiya ng mali at disinformation na ginagamit ng mga tagalikha ng fake news.
Ang mga pahina ng Facebook na nagkakalat ng fake news ay nakararating sa mga website, lahat puwera ang mga nagpapakilala bilang mapagkukunan ng balita sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng nilalaman na mula sa ibang lugar.
Ang mga site na ito na nagsasama sama ng nilalaman ay hindi nagpapakita ng editoryal na impormasyon; hindi malinaw sa mga mambabasa kung sino ang nasa likod nila.
Problema ito, ayon sa Center for Media Freedom and Responsibility.
“Ang isang website ng balita ay dapat may pananagutan sa kung ano ang naka-post sa pahina nito, at nagsisimula ito sa pagpapakilala sa mga taong nasa likod nito, at kung paano sila maaaring makipag-ugnay para mahilingan ng paliwanag sa mga pagkakamali na nai-post sa kanilang mga site, bukod sa iba pa,” sabi ng watchdog group.
Ang mga site na hindi tumutugma sa anumang pamantayan sa pamamahayag “ay dapat isantabi bilang pinagmumulan ng balita,” dagdag nito.
Ang paggamit ng mga nakaliligaw na headline na hindi tumutugma sa nilalaman ng isang pekeng ulat ay tila ang pinapaborabg diskarte ng panloloko, higit sa tahasang kasinungalingan at paglikha ng mga impostor na website ng mga tunay na media outfits.
Ang pagta-tag ng fake news bilang satire at pagkalat dito na tila isang tunay na balita ay isa ring istratehiya.
Ang mga estratehiyang ito ay may katuturan kapag isinasaalang-alang kasama ang probisyon ng libreng mga serbisyo ng Facebook sa bansa, kung saan ang mga gumagamit ay nakakakita lamang ng mga pamagat ng post ngunit hindi nakikita ang nilalaman maliban kung magbabayad sila ng data charges.
Ang mga site na ito ay aktibo pa rin, noong Dis. 12:
- trendingphnewz
- dailynewzph
- du30balitaph
- okd2
- dailyartikulo
Ang mga site na ito ay hindi na gumagana:
- du30angatpinas
- trendingtopicsph
- du30media
- pinoybuzz
- aljazeeranews-tv
- du30unite
Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.