VERA FILES FACT SHEET: Bakit nahahawa pa rin ng COVID-19 ang taong nabakunahan
Habang dumadami ang mga kaso sa bansa sa huling anim na buwan ng 2021, ang maling impormasyon na nagsasabing ang mga bakuna sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay "hindi epektibo at hindi ligtas" ay patuloy na kumakalat sa social media.





