VERA FILES FACT CHECK: Erwin Tulfo binawi ang pagsama ng 4Ps recipients sa DSWD education aid program
Binawi ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo ang kanyang unang anunsyo na ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay karapat-dapat na makatanggap ng tulong pang-edukasyon sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng kanyang tanggapan.