VERA FILES FACT CHECK: Ex-PCOO consultant, netizens nag post ng NAKALILIGAW na Robredo quote tungkol sa ‘Biden, CIA’
Isang graphic na nagtatampok ng hindi kumpletong sagot ni Vice President at presidential candidate Leni Robredo sa isang tanong sa isang panayam sa radyo ang in-upload ng ilang Facebook (FB) accounts, kabilang ang isang FB page ng isang dating Palace media consultant, para magmukha siyang tanga. Ito ay nakaliligaw.






