VERA FILES FACT CHECK: Pagbibigay-katwiran ng Justice Secretary sa red-tagging ng gobyerno nakaliligaw
Sa ika-136 na sesyon ng United Nations Human Rights Committee sa Geneva noong Oktubre 10, binigyang-katwiran ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla ang red-tagging ng gobyerno sa mga kritiko na pinaniniwalaan nilang nakikiisa sa Communist Party of the Philippines-New People's Army (CPP-NPA). Ito ay nakaliligaw.




