VERA FILES FACT CHECK: Bahagi ng EEZ ng Pilipinas ang Ayungin Shoal, taliwas sa sinasabi ng China foreign ministry spokesman
Ang Ren'ai Reef, na kilala bilang Ayungin Shoal sa Pilipinas at Second Thomas Shoal sa buong mundo, ay bahagi ng 200-nautical-mile exclusive economic zone at continental shelf ng Pilipinas, batay sa arbitral win ng bansa noong 2016 laban sa China.