VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Sotto sa kaligtasan ng mga hindi nabakunahan kung kasama ang mga nabakunahan kailangan ng konteksto
Walang pasubaling sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na ang mga hindi nabakunahan laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay walang dapat katakutan kung napapalibutan sila ng mga taong nabakunahan na. Kailangan nito ng konteksto.