Skip to content
post thumbnail

#AnoRaw: Pahayag ng tagapagsalita ng DOJ sa hurisdiksyon ng ICC nangangailangan ng konteksto

WHAT WAS CLAIMED

Hindi na dapat mag-imbestiga ang International Criminal Court sa Pilipinas dahil ang bansa ay hindi na state party sa Rome Statute na nagtatag ng tribunal na naka base sa The Netherlands.

OUR VERDICT

Kailangan ng konteksto:

Nakasaad sa Article 127, paragraph 2 ng Rome Statute na ang isang bansang nag-withdraw ay nananatiling may mga pananagutan sa mga insidente na nangyari sa panahon ng pagiging miyembro nito. Bahagi ng paggamit ng Pilipinas ng soberanya nito ang pagsang-ayon sa Rome Statute noong Nobyembre 2011, na nagbubuklod sa bansa sa mga probisyon ng kasunduan mula sa petsang iyon hanggang sa pagkalas nito noong Marso 16, 2019.

By VERA Files

Feb 1, 2023

4-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Iginiit ni Atty. Mico Clavano, tagapagsalita ng Department of Justice (DOJ), na hindi na dapat mag-imbestiga ang International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas dahil ang bansa ay hindi na state party sa Rome Statute na nagtatag ng tribunal na naka base sa The Netherlands.

Idinagdag niya na ang pagtanggi ng gobyerno na payagan ang ICC na imbestigahan ang mga pagpatay na may kaugnayan sa droga sa isang partikular na panahon sa ilalim ng nakaraang administrasyon ay isang “isyu ng soberanya.” Ito ay nangangailangan ng konteksto.

Ang mga katulad na pahayag kaugnay ng hurisdiksyon ng ICC mula kay Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla ay dati nang na fact check ng VERA Files.

PAHAYAG

Sa ginanap na Saturday News Forum sa Dapo Restaurant and Bar sa Quezon City noong Enero 28, sinabi ni Clavano:

“There’s no question that we do not submit to the jurisdiction dahil hindi na po tayo miyembro ng ICC (because we’re no longer a member of ICC).”

“Walang kuwestiyon na hindi kami bibigay sa hurisdiksyon dahil hindi na po tayo miyembro ng ICC.”

 

Pinagmulan: Camilo Belleza Millendez, SATURDAY NEWS FORUM AT DAPO RESTO, QUEZON CITY – JAN. 28, 2023, panoorin mula 11:15 hanggang 11:20

Nang tanungin tungkol sa reaksyon ng DOJ sa mga pahayag ng mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao na kumukuwestiyon sa posisyon ng gobyerno sa usapin, sinabi ni Clavano:

“I think they’re missing the point in determining kung ano talagang isyu dito (the real issue here). And the issue is sovereignty. The issue is protecting our independence as a country. We’ve gone so far, ‘no, in obtaining our independence way back and protecting that and making ourselves a civilized country. That’s the real point here. We want to protect our processes. We want to protect our government. We want to protect our countrymen.”

“Sa palagay ko, hindi nila naiintindihan kung ano ang talagang isyu dito. At ang isyu ay soberanya. Ang isyu ay ang pagprotekta sa ating kalayaan bilang isang bansa. Malayo na ang narating natin, ‘no, sa pagkamit ng ating kalayaan noon pa at sa pag protekta niyan at pagiging sibilisado ng ating bansa. Iyan ang tunay na punto dito. Gusto naming protektahan ang ating mga proseso. Gusto nating protektahan ang ating gobyerno. Nais nating protektahan ang ating mga kababayan.”

 

Pinagmulan: panoorin mula 12:33 hanggang 13:02

ANG KATOTOHANAN

Ayon sa Article 127, paragraph 2 ng Rome Statute, ang isang bansang nag-withdraw ay hindi natatanggalan ng mga pananagutan sa mga insidente na nangyari sa panahon ng pagiging miyembro nito. Bahagi ng paggamit ng Pilipinas sa soberanya nito ang pag payag nito sa Rome Statute noong Nobyembre 2011, kaya natatali ang bansa sa mga probisyon ng kasunduan mula sa petsang iyon hanggang sa pagkalas nito noong Marso 16, 2019.

#AnoRaw: Pahayag ng tagapagsalita ng DOJ sa hurisdiksyon ng ICC nangangailangan ng konteksto

Noong Setyembre 2021, pinahintulutan ng ICC Pre-Trial Chamber ang paglulunsad ng imbestigasyon sa mga umano’y krimen laban sa sangkatauhan na naganap sa giyera kontra droga ng administrasyong Duterte. Gayunpaman, ito ay pansamantalang nasuspinde noong Nobyembre 2021, matapos hilingin ng gobyerno ng Pilipinas sa ICC na ipagpaliban ang mga local procedures.

Noong Hunyo 2022, hiniling ni ICC Prosecutor Karim Khan sa ICC Pre-Trial Chamber I na payagan ang pagpapatuloy ng pagsisiyasat dahil sa umano’y kabiguan ng gobyerno na magsagawa ng sapat na imbestigasyon. Noong nakaraang Enero 26, pinagbigyan ng chamber ang kahilingang ito.

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

Camilo Belleza Millendez, SATURDAY NEWS FORUM AT DAPO RESTO, QUEZON CITY – JAN. 28, 2023, Jan. 28, 2023

Philippine News Agency, DOJ tells ICC: We’ll settle drug issues on our own, Jan. 28, 2023

ABS-CBN News Twitter account, Ayon kay DOJ Spokesman Atty. Mico Clavano, Jan. 28, 2023

One News, DOJ: ICC Probers Welcome In The Philippines, But…, Jan. 29, 2023

CNN Philippines, DOJ: UN special rapporteur to examine PH drug war probe in February, Jan. 30, 2023

International Criminal Court official website, ​​Rome Statute of the International Criminal Court, Accessed Jan. 31, 2023

International Criminal Court official website, Decision on the Prosecutor’s request for authorisation of an investigation pursuant to Article 15(3) of the Statute, Sept. 15, 2021

International Criminal Court official website, Notification of the Republic of the Philippines’ deferral request under article 18(2) (Annex A Public), Nov. 18, 2021

International Criminal Court official website, Prosecution’s request to resume the investigation into the situation in the Philippines pursuant to article 18(2), June 24, 2022

International Criminal Court official website, ICC Pre-Trial Chamber I authorises Prosecutor to resume investigation in the Philippines, Jan. 30, 2023

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.