Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: Comelec umatras sa pagbabawal ng premature campaigning sa 2025 eleksyon

WHAT WAS CLAIMED

Hindi maaaring ipagbawal ng Commission on Elections ang maagang pangangampanya para sa 2025 midterm elections.

OUR VERDICT

Flip-flop:

Inihayag ni Comelec Chair George Garcia noong Abril na maninindigan ang poll body sa pagbabawal ng premature campaigning para sa 2025 elections. Hinamon pa niya ng mga kandidatong papalag sa pagbabawal na pumunta sa Korte Suprema.

By VERA Files

Jul 30, 2024

3-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

Matapos sabihing ipagbabawal nito ang maagang pangangampanya para sa pambansa at lokal na halalan sa 2025, sinabi ngayon ng Commission on Elections (Comelec) na hindi nito masusuway ang batas noong 2007 na nagpawalang-bisa sa planong paghihigpit.

PAHAYAG

Sa press briefing noong Hulyo 23, sinabi ni Comelec Chairperson George Garcia na hindi maaaring habulin ng poll body ang mga kandidatong kumakampanya bago ang opisyal na campaign period.

Ito, aniya, ay dahil sa umiiral na batas sa automated elections na isinasaalang-alang ang isang tao bilang kandidato sa simula lamang ng campaign period. Ipinaliwanag niya na nagawa ng Comelec na magpataw ng naturang pagbabawal sa Barangay at SK polls noong Oktubre 2023 dahil ito ay manual elections.

Idinagdag niya:

Pero ngayon maliwanag na maliwanag [na] automated ito. ‘Yon ‘yung nakalagay sa automat[ion] law. Wala kaming choice but to respect the decision of the court in the case of Penera vs Comelec and the provision of [RA] 9369.

(“Pero ngayon maliwanag na maliwanag [na] automated ito. ‘Yon ‘yung nakalagay sa automat[ion] law. Wala kaming magagawa kundi igalang ang desisyon ng korte sa kaso ng Penera vs Comelec at ang probisyon ng [RA] 9369.”)

Pinagmulan: Comelec, MEMORANDUM OF AGREEMENT SIGNING – PRESS CONFERENCE, Hulyo 23, 2024, panoorin mula 50:51 hanggang 51:31

Gayundin sa panayam ng VERA Files noong Hulyo 1, sinabi ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco:

Talagang binanggit [ni Chairman Garcia] po ‘yan ngunit batay po sa pag-aaral ng Comelec law department, talagang nakita po namin na malinaw [na] sinasabi ng Supreme Court do’n nga po sa ruling sa Penera vs Comelec na hindi na talaga namin mapaparusahan ‘yung premature campaigning dahil practically binura ng Republic Act (RA) 9369 ang tinatawag natin na premature campaigning.”

ANG KATOTOHANAN

Inihayag ni Garcia noong Abril na ang Comelec ay “maninindigan” sa pagpapatupad ng pagbabawal sa premature campaigning sa darating na botohan sa 2025.

VERA Files Fact Check - The Facts: Matapos ianunsyo noong Abril na mahigpit na ipagbawal ang premature campaining para sa eleksyon sa 2025, sinabi ng Comelec na hindi nito pwedeng labagin ang batas na nagpawalang bisa dito.

“Para sa darating na halalan, ipagpapalagay natin na ang lahat ng maghahain ng kanilang kandidatura sa Okt. 1 hanggang 8 bilang mga kandidato na. At, kaya, ia-apply namin ‘yung premature campaigning,” sinabi niya sa kumperensiya na pinamunuan ng Philippine Center for Investigative Journalism noong Abril 30.

“Kung gusto nilang pumunta sa Korte Suprema, bahala sila,” idinagdag niya, na tumutukoy sa mga kandidato na hahamon sa pagbabawal.

Gumawa si Garcia ng kaparehong pahayag noong Marso ngayong taon at sinipi ng iba’t ibang organisasyon ng media na nagsabing, “Ang Comelec ay naninindigan na ang mga maghahain ng kanilang Certificates of Candidacy ngayong Oktubre ay ituturing na mga kandidato. Anuman ang mga ipinagbabawal, ito ay magiging angkop sa lahat.”

BACKSTORY

Sa kaso ng Penera vs Comelec noong 2009, nagdesisyon ang Korte Suprema pabor kay Rosalinda Penera, na nadiskuwalipika ng Comelec sa pagtakbo bilang mayor ng Sta. Monica, Surigao Del Norte dahil sa maagang pangangampanya.

Sa pagbanggit sa RA 9369, idineklara ng mataas na hukuman na “ang isang kandidato ay mananagot lamang para sa mga pagkakasala sa halalan sa pagsisimula lamang ng panahon ng kampanya.”

Ayon sa Automated Election System Act, “ang mga labag sa batas na gawain o hindi paggawa na naaangkop sa isang kandidato ay magkakabisa sa pagsisimula ng nabanggit na panahon ng kampanya.”

Bukod dito, sa RA 9369, ang inamyenda na bersyon ng batas, nakasaad na ang taong naghain ng certificate of candidacy ay maituturing na kandidato lamang “sa simula ng panahon ng kampanya.”

Itinatakda ng Omnibus Election Code ang panahon ng kampanya para sa mga kandidato para sa presidente, bise presidente, senador at mga party-list na organisasyon na magsimula 90 araw bago ang petsa ng halalan.

Para sa mga kandidato para sa regional, congressional districts, provincial, city at municipal positions, ang campaign period ay magsisimula 45 araw bago ang petsa ng halalan, habang ang mga tumatakbo para sa barangay at SK elections ay may 15-araw na campaign period.

 

Check out these sources

 

Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco, Personal Communication, July 1, 2024

PCIJdotOrg YouTube Channel, Comelec will prohibit premature campaigning in 2025 midterm polls, May 12, 2024

‘Comelec will stand firm’ in enforcing premature campaigning ban

Senate Electoral Tribunal, Republic Act No. 9369, Jan 23, 2007

Supreme Court of the Philippines, [ G.R. No. 181613. November 25, 2009 ], Nov. 25, 2009

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.