Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: HINDI pa nakauwi sa Pinas si Duterte; noong 2024 pa ang kumakalat na video

WHAT WAS CLAIMED

Nakauwi na si Rodrigo Duterte sa Pilipinas, ayon sa isang video

OUR VERDICT

Mali:

Arestado pa rin sa International Criminal Court si Duterte at maghihintay siya hanggang Sept. 23, kung kailan didinggin ang mga kaso niya dahil sa libo-libong pinatay sa kanyang drug war.

By VERA FILES

Jul 18, 2025

2-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

Pagtapos ipakalat ang mga picture na “buto’t balat” na si dating pangulong Rodrigo Duterte, pinakalat naman ang video na nakauwi na raw siya sa Pilipinas. Hindi totoo ang mga ito.

Noong July 14 ini-upload ang kopya ng video ni Senador Bong Go na kasama si Duterte, kung saan pinasinungalingan ni Bong Go na may masamang nangyari kay Duterte.

Ayon sa video:

“HINDI NYAN FAKE NEWS HA. Totoo yan Tatay Digs ‘yan Kakauwi lang.”

At pinakikitang buhay pa si Duterte at sinasabing:

“Mga kababayan ko, kumusta kayong lahat? Ako’y matanda na, at hindi natin maiwasan ‘yong balita na ‘yon [na] nagkasakit [ako]. Wala naman akong sakit, at feeling ko hindi naman ako mamamatay ngayon kaagad. Nandito ako sa bahay.”

Ini-upload ni Bong Go ang video noon pang June 20, 2024, kung kailan kumalat ang mga chismis na namatay na raw si Duterte.

Nilinaw naman ni Vice President Sara Duterte na walang sakit ang tatay niya at peke ang kumakalat na mga picture na “buto’t balat” na ito.

Arestado pa rin sa International Criminal Court si Duterte at maghihintay siya hanggang Sept. 23, kung kailan didinggin ang mga kaso niya dahil sa libo-libong pinatay sa kanyang drug war.

Ang kopya ng video ay may lagpas 826,000 views, 13,000 reactions, 11,000 shares, at 2,300 comments.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.