Skip to content
post thumbnail

Kontrahin ang mali… with feelings?

Sa masalimuot na usapin at samu't saring nakalilitong mga pahayag tungkol sa war on drugs by, paano ang wastong pag-uusap tungkol dito na hindi makasasakit o makaiinsulto sa mga taliwas na paniniwala ng iba?

By Blanch Marie Ancla and Psalm Mishael Taruc

Dec 20, 2024

1-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Naging blockbuster ang live streamed hearings ng quad committee ng House of Representatives dahil maraming tumestigo at pinatunayan ‘yung mga haka-haka at sabi-sabi kaugnay ng mga patayan sa ilalim ng drug war ng Duterte administration.

May mga drama, may nakatatawa, may nakaiinis. Maraming emosyon ang lumabas.

May matataas na opisyal na umamin na may pabuya sa pagpatay ng pinaghihinalaang gumagamit o nagbebenta ng iligal na droga.

May pagkakataong umamin din si dating pangulong Rodrigo Duterte, pero binabawi rin niya agad. Ginawa lang naman daw niya ang nararapat niyang gawin bilang pangulo.

Sa masalimuot na usapin at samu’t saring nakalilitong mga pahayag tungkol sa war on drugs by, paano ang wastong pag-uusap tungkol dito na hindi makasasakit o makaiinsulto sa mga taliwas na paniniwala ng iba?

Panoorin ang video na ito:

 

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.