Skip to content
post thumbnail

Marcos-Duterte disunity on pressing issues

Sa 93 na pahayag ng public figures na na-fact-check ng VERA Files ngayong 2024, 40% ang tungkol sa mga Marcos at Duterte. Panoorin sa video na ito ang Top 5 issues na hindi pinagkasunduan ng dalawang pamilya.

By Rhenzel Raymond Caling and Nica Rhiana Hanopol

Dec 18, 2024

1-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Dalawang taon pagkatapos manalo sa eleksyon, natapos na rin ang alyansa nina Bongbong Marcos at Sara Duterte – na tinawag na UniTeam. Magkaaway na mortal na nga ang mga pamilya ng dalawang pinakamataas na lider ng bansa.

Nakikita rin ang lumalalang hidwaan na ito sa social media, kung saan nagkukumpitensya na ang mga tagapagtanggol ng bawat kampo. Sa pag-aaway na ito, madalas ay may mga kaakibat na mali o hindi tumpak na impormasyon, minsan ay sadyang kathang-isip pa ang ikinakalat sa social media.

Sa 93 na pahayag ng public figures na na-fact-check ng VERA Files ngayong 2024, 40% ang tungkol sa mga Marcos at Duterte.

Basahin: Pro-Duterte accounts flood YouTube with rage-bait disinformation amid UniTeam split

Panoorin sa video na ito ang Top 5 issues na hindi pinagkasunduan ng mga Marcos at Duterte.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.