Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Duterte hinamon si Carpio na mag debate tungkol sa WPS dispute, pagkatapos umatras; Palasyo tinawag itong ‘demotion’

Kumambyo sa loob lamang ng dalawang araw, umatras si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang hamon na makipagdebate kay retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio tungkol sa pag-alis ng mga barko ng Philippine Navy noong 2012 sa maritime standoff sa Scarborough Shoal sa pagitan ng China at Pilipinas, gayundin ang panalo ng bansa sa Permanent Court of Arbitration (PCA) noong 2016.

By VERA Files

May 10, 2021

4-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Kumambyo sa loob lamang ng dalawang araw, umatras si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang hamon na makipagdebate kay retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio tungkol sa pag-alis ng mga barko ng Philippine Navy noong 2012 sa maritime standoff sa Scarborough Shoal sa pagitan ng China at Pilipinas, gayundin ang panalo ng bansa sa Permanent Court of Arbitration (PCA) noong 2016.

Sa isang press briefing noong Mayo 7, sinabi ni Palace Spokesman Harry Roque na habang si Duterte ay “handang handa” para sa debate, nagpasya si Duterte na “sundin ang payo ng ilang mga miyembro ng Gabinete” na “walang mabuting” lalabas dito at ang pangulo at si Carpio ay isang mismatch.

Sa isang pahayag sa telebisyon noong Mayo 5, inatake ni Duterte sina Carpio at dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario, kapwa mga matinding kritiko ng paninindigan ng pangulo sa maritime dispute ng Pilipinas sa China sa West Philippine Sea. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte sinabi na hindi niya ‘binanggit kailanman’ ang PH-China maritime row noong 2016 campaign. Sinabi nga kaya.)

Ito habang tumaas ang tensyon sa rehiyon sa napaulat na “iligal” na presensiya ng mga sasakyang pandagat ng mga mangingisda at militar na Tsino simula pa noong Marso sa katubigang inaangkin ng Pilipinas. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Chinese Embassy pinanindigan ang MALING pahayag na ang Julian Felipe Reef ay teritoryo ng China)

Tingnan kung paano umatras ang pangulo sa kanyang sariling hamon, at kung paano sumagot ang dating hukom:

Noong Hulyo 2016, idineklara ng PCA na ang Mischief Reef, na kilala rin bilang Panganiban Reef, ay “nakalubog kapag high tide” at “hindi na overlap ng anumang posibleng entitlement ng China.” Sa gayon, ito ay bumubuo ng “bahagi ng exclusive economic zone [(EEZ)] at ng continental shelf ng Pilipinas.”

Napag-alaman ng tribunal, bukod sa iba pa, na ang China ay “nagpoprotekta at nabigong pigilan” ang mga mangingisdang Tsino sa loob ng EEZ ng Pilipinas at Mischief Reef, at “nagtayo rin ng mga installation at artificial islands” sa maritime feature nang “walang pahintulot ng Pilipinas.” (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Paghingi ng tawad ng asosasyong Tsino mali sa pagsasabi na ang Recto Bank ay teritoryo ng China)

Habang ang PCA ay hindi nagpasya kung aling estado ang may sovereignty sa Scarborough Shoal, isang “bato” ayon sa depenisyon ng United Nations Convention on the Law of the Sea, nagpasiya itong “nilabag ng China ang tungkulin nitong igalang” ang tradisyunal na mga karapatan sa pangingisda ng mga mangingisdang Pilipino “sa pamamagitan ng pagpigil sa pag-access sa Shoal pagkaraan ng Mayo 2012.” (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Pro-Duterte blogger mali-mali ang pahayag tungkol sa West Philippine Sea, arbitral ruling)

 

Mga Pinagmulan

PTV Official Youtube Channel, WATCH: President Rodrigo #Duterte’s Talk to the Nation, May 5, 2021, watch from 13:06 to 13:35

Inquirer.net, Scarborough shoal standoff: A timeline, May 9, 2012

VERA Files via ABS-CBN News Online, Ex-rebel soldier leads voyage to Scarborough Shoal, May 17, 2012

BBC News, Protest in Philippines over South China Sea stand-off, May 11, 2012

ABS-CBN Justice beat reporter Mike Navallo Official Twitter Account, READ: Carpio’s full statement, May 6, 2021

GMA News Online, Carpio accepts Duterte debate challenge, dares him to resign, May 6, 2021

Inquirer.net, Carpio accepts Duterte’s West PH Sea debate challenge, May 6, 2021

Philippine Bar Association, “Now that the president’s earlier challenge to debate on the West Philippine Sea by former Senior Supreme Court Justice Antonio Carpio…,” May 6, 2021

PTV Philippines Official Youtube Channel, Presidential Spokesperson Harry Roque, inilatag ang bagong IATF Resolution, May 7, 2021, watch from 7:29 to 8:27

Presidential Communications Operations Office, On the West Philippine Sea debate, May 7, 2021

ABS-CBN Justice beat reporter Mike Navallo Official Twitter Account, After Pres Duterte backed out…, May 7, 2021

Inquirer.net, Carpio rejects debate with Roque on ‘pointless’ issues, May 7, 2021

Philstar.com, Roque is substitute in supposed Duterte debate with Carpio on West Philippine Sea, May 7, 2021

Permanent Court of Arbitration, PRESS RELEASE: South China Sea Arbitration Award, July 12, 2016

United Nations, United Nations Convention on the Law of the Sea

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.