Mabilis na nilinaw ni Senador Cynthia Villar ang kanyang pahayag tungkol sa pagbabawal ng “unli rice” promo sa mga fastfood, matapos siyang umani ng matinding pagbatikos, na may kahalo pang mga katatawang meme sa social media.
Sinabi ng ni Villar, ang agriculture and food committee chair, sa isang news release na hindi niya kailanman ipinlano na magpanukala ng batas na magbabawal sa pangunahing pagkain ng mga Pinoy.
STATEMENT
“Hindi ako nagpaplano na gumawa ng batas na magba-ban sa unli rice, hindi talaga. Sinabi ko lang ang aking pag-aalala na ang pagkain ng sobrang kanin ay isa sa mga pangunahing sanhi ng mataas na blood sugar na humahantong sa diabetes. Pero, syempre, hind ko mapipigilan ang tao na kumain ng kanin na walang limitasyon. Nasa sa kanila iyon. Ito ay pagpapahayag lang ng aking tunay na pagmamalasakit.”
(Pinagkunan: Villar: Wala akong plano na gumawa ng batas na magbabawal sa unli rice, Hunyo 15, 2017)
Sa interview ng TV5 anchor na si Raffy Tulfo, nilinaw ni Villar:
“Eh, pero hindi naman po tayo mag-le-legislate na ipinagbabawal ang rice (But we won’t push for a law banning rice), I’m just telling them that we should adopt a healthier diet.” (Ang sinasabi ko lang sa kanila, umayon sa pang mas malusog na diyeta.”)
(Pinagmulan: Sen. Cynthia Villar, hindi maghahain ng batas na magbabawal sa unli rice, panoorin mula 0:45-0:51)
FLIP-FLOP
Ano ba talaga ang sinabi ni Villar?
Sa Senate committee hearing tungkol sa importasyon ng bigas noong Hunyo 14:
“(I)pagbawal na natin ‘yang unlimited rice. Kasi nagkakasakit tayo gawa ng unlimited rice na ‘yan. We should learn how to eat vegetables.” (Dapat tayong matuto kumain ng mga gulay.”)
(Pinagmulan: Pahayag ni Sen. Cynthia Villar kaugnay ng panawagang i-ban ang unli-rice, umano [sic] ng batikos, GMA News, panoorin mula 0:42-0:54, ‘Huwag naman pati unli rice,’ News5Everywhere, panoorin mula 1:21-1:29 , Villar says no to unli rice, CNN Philippines)
Sa Filipino, ang ibig sabihin ng salitang “ipagbawal” ay “pagbawalan, suwayin, hadlangan.”
Bilang mambabatas, ang tanging paraan para maisagawa ang pagbabawal ay sa pamamagitan ng paggawa ng batas.