Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Jay Sonza, netizens ginamit ulit ang pekeng litrato ng ‘Manila Bay beachfront’

Nag post ang dating brodkaster na si Jay Sonza, isang Facebook (FB) user, at isang FB page ng dinoktor na litrato ng dolomite beach ng Manila Bay na ilang ulit nang pinasinungalingan ng mga fact-checker.

By VERA Files

Feb 3, 2021

5-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Nag post ang dating brodkaster na si Jay Sonza, isang Facebook (FB) user, at isang FB page ng dinoktor na litrato ng dolomite beach ng Manila Bay na ilang ulit nang pinasinungalingan ng mga fact-checker.

Pinalabas nilang totoo ang imahe, sa kabila ng patunay na ito ay minanipula na lumabas sa VERA Files Fact Check noong nakaraang buwan, at Rappler at Agence France-Presse noong nakaraang taon.

PAHAYAG

Noong Enero 31, nag upload ni Sonza sa kanyang personal na FB account ng imahe na umano’y nagpapakita ng kasalukuyang kalagayan ng bay na inayos sa ilalim ng beach nourishment program ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ipinalalagay na, ang buong kahabaan ng baybayin ng Manila Bay mula sa bakod ng US Embassy-Manila hanggang sa breakwater ng Manila Yacht Club ay natakpan na ng durog na dolomite. Basahin ang caption ni Sonza:

“Kapag hindi na bawal lumabas ang mga bata o menor de edad, ipapasyal.ko (sic) rito ang aking mga apo.

Manila Bay Beach Front.
Roxas Boulevard, Manila.”

Source: Jay Sonza official Facebook account, “Kapag hindi na lumabas ang mga bata…,” Enero 31, 2021

Wala pang tatlong oras, isang FB user at FB page na Batang Maynila God First – Isko Moreno Supporter ang muling nag upload ng litratong ginamit ni Sonza, at kinopya ang lokasyon na nakalagay sa kanyang caption. Parehong nagsulat tungkol sa kung paano ang litrato ay ibang iba sa dating kalagayan ng Manila Bay na puno ng basura.

ANG KATOTOHANAN

Mali ang post ni Sonza. Ang orihinal na litrato, na nai-post noong Set. 17, 2020 ng isang netizen, ay nagpakita na ang aktwal na dolomite beachfront ay wala pa sa kalahati ang lapad at haba ng ipinakita sa minanipulang imahe.

Ang hindi binagong litrato ng netizen ay muling nai-post ng mga organisasyon ng media tulad ng GMA News at News5.

 

VERA FILES FACT CHECK: Jay Sonza, netizens ginamit ulit ang pekeng litrato ng ‘Manila Bay beachfront’

Para magmukhang ang man-made na beach ay kasalukuyang mas mahaba at mas malawak na lugar, idinagdag sa litrato ang digital na puting buhangin sa kahabaan ng baybayin. Ang mga elemento na naroroon sa orihinal na litrato, tulad ng isang sea vessel, dalawang excavator, at mga floating boom, ay tinanggal.

Ang contrast ng pekeng litrato ay dinagdagan din para ang langit ay magmukhang mas asul at ang mga puno, mas berde. Ang imahe ni Sonza ay isang na-crop na bersyon ng mga litratong dating na-debunk ng VERA Files, Rappler, at AFP. Ang pinakahuling pag-ulit nito bago ang post ng dating brodkaster ay mula sa isang upload noong Enero 18 ng FB page na DU30 MEDIA Network.

Ang DU30 MEDIA Network ay nilikha noong Hunyo 2016.

 

VERAfied: Manipulated photos of Manila Bay shared by Jay Sonza, FB users

Ang maling post ni Sonza ay lumitaw dalawang araw matapos mag-ulat ang mga organisasyon ng media noong Enero 29 na ang DENR ay lumikha ng isang task force para mapabilis ang restoration at rehabilitasyon ng coastal at marine ecosystem ng Manila Bay.

Ang kasinungalingan ito ay nakakuha ng hindi bababa sa 13,000 reactions at 1,200 comments, at higit sa 1,600 shares sa FB hanggang Peb. 3.

Naging kontrobersyal noong nakaraang taon ang rehabilitasyon ng Manila Bay ng DENR dahil ang P389 milyong beach nourishment project ay kinuwestiyon ng mga mambabatas tungkol sa safety at sustainability nito. Sinabi ni DENR Undersecretary Benny Antiporda na ang buong rehabilitation project ay maaaring tumagal ng pitong taon para matapos at nagkakahalaga ng humigit-kumulang P47 bilyon, iniulat ng isang artikulo sa Cebu Daily News noong Enero 12, 2019.

Si Sonza ay marami nang beses na fact-check ng VERA Files sa nakaraan. (Tingnan: VERA FILES FACT CHECK: Jay Sonza, FB users kinalat ang dinoktor na 10-taong litrato ng ABS-CBN van habang rumaragasa ang ‘Ulysses’; VERA FILES FACT CHECK: Jay Sonza, FB pages mislead with ABS-CBN prayer rally photo)

 

Mga Pinagmulan

DU30 MEDIA NETWORK Facebook account, Soon, Jan.18, 2021

VERA Files, VERA FILES FACT CHECK: Photo of ‘new Manila Bay’ with wider, longer dolomite beach FAKE, Jan. 23, 2021

Rappler, FALSE: Photo of white sand in new Manila Bay, Sept. 21, 2020

Agence France-Presse, This image of Manila Bay has been doctored, Sept. 23, 2020

Jay Sonza official Facebook account, Kapag hindi na bawal lumabas ang mga bata…, Jan. 31, 2021

Facebook user, Tingnan niyo ngayon ang dating basurahan ng maynila…, Jan. 31, 2021

Batang Maynila God First – Isko Moreno Supporter Facebook page, Sana Okay na lahat…, Jan. 31, 2021

Facebook user, Manila Bay., Sept. 17, 2020

GMA News, LOOK: Ang view na ito ng “white sand” sa Manila Bay… Sept. 17, 2020

News5, Kuha ng netizen na si Lester Hezeta sa “white sand” sa Manila Bay… Sept. 17, 2020

Inquirer.net, DENR creates Manila Bay anti-pollution task force, Jan. 29, 2021

Manila Bulletin, Antiporda to head new Manila Bay Anti-Pollution Task Force, Jan. 29, 2021

Daily Tribune, Manila Bay anti-pollution TF created, Jan. 29, 2021

Manila Bulletin, Palace: P389-M white beach project to improve mental health of Filipinos, Sept. 5, 2020

Philstar.com, Palace: P389-M Manila Bay ‘white sand’ project approved prior to pandemic, Sept. 7, 2020

Inquirer.net, DENR won’t stop ‘Manila Beach’ project despite criticisms, Sept. 9, 2020.

Manila Bulletin, Lawmakers assail Manila Bay ‘white sand’ project; safety, sustainability raised, Sept. 9, 2020

Cebu Daily News, DENR Undersecretary: Manila Bay rehab to take 7 years, to cost P47B, Jan. 12, 2019

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.