Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Kolumnistang si Magno mali ang sinasabi na hindi sumipot si PNoy sa 2010 presidential debates

Mali ang sinulat ni Alex Magno, isang kolumnista ng Philippine Star, na ang yumaong pangulo Benigno Simeon Aquino III ay hindi lumahok sa anumang debate habang nangangampanya noong 2010 elections.

By VERA Files

Feb 9, 2022

5-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Mali ang sinulat ni Alex Magno, isang kolumnista ng Philippine Star, na ang yumaong pangulo Benigno Simeon Aquino III ay hindi lumahok sa anumang debate habang nangangampanya noong 2010 elections.

PAHAYAG

Sa kanyang kolum noong Enero 27, kinuwestiyon ni Magno ang mga “pink” na tagasuporta ni Vice President Leni Robredo sa pagpuna kay Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa hindi pagsipot sa panayam ng mga presidential aspirant sa darating na eleksyon:

No one remembered that Noynoy Aquino did not participate in the 2010 debates. In the latter case, it was a correct tactical decision: Aquino was leading all rivals.

(Walang nakaalala na hindi sumali si Noynoy Aquino sa mga debate noong 2010. Sa kaso ng huli, ito ay isang tamang taktikal na desisyon: nangunguna si Aquino sa lahat ng kanyang mga karibal.)

Idinagdag ni Magno, na nagsilbi bilang direktor sa Development Bank of the Philippines (DBP) noong termino ni pangulong Gloria Macapagal-Arroyo:

No one remembered that when Marcos submitted to a Jessica Soho interview in 2016, the venue was filled with LP supporters who heckled his every answer.

(Walang nakaalala na noong nagsumite si Marcos sa isang panayam kay Jessica Soho noong 2016, ang venue ay napuno ng mga tagasuporta ng LP na kinukutya ang bawat sagot niya.)

Pinagmulan: Alex Magno, ”First Person” Column entitled “Pageant” on the Philippine Star, Enero 27, 2022 (archive)

ANG KATOTOHANAN

Taliwas sa pahayag ni Magno, si dating senador Aquino ng Liberal Party (LP) ay dumalo sa hindi bababa sa isang debate at dalawang fora para sa mga kandidato sa pagkapangulo noong 2010 elections.

#VERAfied: Kolumnistang si Magno mali ang sinasabi na hindi sumipot si PNoy sa 2010 presidential debates

Si Aquino, na nanalo at naging ika-15 pangulo ng bansa, ay lumahok sa The Presidential Debate na inorganisa ng Philippine Daily Inquirer noong Peb. 8, 2010. Kasama niya sa debate ang pitong iba pang kandidato, kabilang ang kanyang pinsan na si Gilbert Teodoro at Manny Villar, na lumabas na pang-apat at pangatlo sa mga botohan, ayon sa pagkakabanggit.

Ang ABS-CBN ay nagtakda ng isa pang debate para sa Marso 2010, na kanilang kinansela matapos ang ilang mga kandidato sa pagkapangulo at bise-presidente ay tumangging lumahok dahil sa mga magkakasalungat sa iskedyul.

Naroon din si Aquino sa hindi bababa sa tatlong presidential fora, kabilang ang dalawang inorganisa ng ABS-CBN News Channel (ANC) noong Disyembre 2009 at Enero 2010. Ang iba pang forum ay inayos ng Philippine Chamber of Commerce and Industries (PCCI) noong Peb. 16, 2010.

Isinulat din ni Magno na kinukutya ng mga tagasuporta ng LP si Marcos Jr. sa isang panayam ng mamamahayag na si Jessica Soho ng GMA-7. Walang mga balita o pahayag na nagpapatunay sa kanyang pahayag.

Ang tanging naiulat na insidente ng pangangantiyaw na kinasangkutan ni Marcos Jr. ay sa kanyang paglahok sa vice presidential debate na pinangunahan ng CNN Philippines noong Abril 2016. Ilang aktibista ang sumisigaw ng “Never again! Never again to martial law!” ang gumambala sa kanyang pambungad na pananalita. Tinutukoy ng mga kantiyaw ang 14 na taong martial law ng kanyang ama, ang yumaong diktador Ferdinand Marcos Sr.

Si Marcos Jr. ay binatikos kamakailan dahil sa pagtanggi sa hindi bababa sa dalawang panayam ng mga nais maging pangulo sa media giant na GMA-7 noong huling bahagi ng Enero. Tumanggi siyang makapanayam ni Soho, at sinabing may bias siya laban sa pamilya Marcos. Ang panayam noong Enero 28 sa Super Radyo DZBB ay hindi rin natuloy at kinansela noong araw ding iyon dahil sa hindi magandang access sa komunikasyon.

Wala rin siya sa presidential forum noong Peb. 4, na inorganisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas, kung saan naroroon ang lima pang aspirants, kabilang sina Robredo at Sen. Panfilo Lacson.

Maaasahan ng mga Pilipino ang mga serye pa ng mga debate sa pagkapangulo habang papalapit na ang pambansa at lokal na halalan sa Mayo 9. Sinabi ng Commission on Elections sa Resolution No. 10730 na ang mga istasyon ng telebisyon at radyo ay dapat mag-sponsor ng isang vice-presidential at tatlong presidential debates. Gayunpaman, hindi mapipilit na dumalo ang mga kandidato sa mga kaganapang ito. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Pagkampanya sa panahon ng COVID-19 pandemic)

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

Alex Magno, Column entitled “Pageant” on The Philippine Star, Jan. 27, 2022 (archive)

Official Gazette, Speech of President Arroyo during the Philippine Forum 2002, Jan. 12, 2002

United Nations Global Compact, DBP annual report 2003 (pdf)

ABS-CBN News, Fiery debate between presidential bets at Inquirer forum, Feb. 8, 2010

ABS-CBN News, HARAPAN tandem debate cancelled, March 26, 2010

ABS-CBN News, Bandila: 7 presidential aspirants face nation in Harapan, Dec. 3, 2009

ABS-CBN News, TV Patrol: 8 presidential bets show mettle in La Salle forum, Jan 29. 2010

Tomasino Web, UST Holds Harapan: The ANC and ABS-CBN Presidential Forum, Dec. 10, 2010

Senate of the Philippines, Like a three-ring circus, Feb. 16, 2010

Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. official website, Statement of Atty Victor D. Rodriguez Chief of Staff and Spokesman of presidential aspirant Bongbong Marcos On BBM not joining the Jessica Soho show, Jan. 22, 2022

GMA Network, GMA Network statement on Bongbong Marcos’ reason for not joining ‘The Jessica Soho Presidential Interviews’ | GMA News Online, Jan. 22, 2022

GMA Network, Super Radyo dzBB’s statement on postponement of ‘Ikaw Na Ba? The Presidential Interview’ with Bongbong Marcos | GMA News Online, Jan. 28, 2022

Inquirer,net. Bongbong Marcos heckled at VP debate, April 10, 2016

CNN Philippines, Transcript of vice presidential debate, April 12, 2016

Official Gazette, Republic Act 10368, 2013

Commission on Elections, results of the 2010 polls

Kapisanan ng mga Brodkaster, Panata sa bayan, Feb. 3, 2022

ABS-CBN News Channel (ANC), Comelec Spox: Participation in election debates not mandatory, Feb. 18, 2022

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.