Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Laban sa misinfodemic: Mga kwentong COVID-19 pinasinungalingan

Matapos iniulat ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) local transmission sa Pilipinas noong Marso 6, ang bilang ng mga taong nahawaan ng sakit ay umakyat sa 217 noong Marso 19.

By VERA Files

Mar 19, 2020

5-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Matapos iniulat ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) local transmission sa Pilipinas noong Marso 6, ang bilang ng mga taong nahawaan ng sakit ay umakyat sa 217 noong Marso 19.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang outbreak na ito ay sinamahan din ng malawak na “infodemic” o labis na labis na impormasyon – “ang ilan ay tama, ang ilan ay hindi” – na “nagpahirap para sa mga tao na makahanap ng mapagkakatiwalaang mapagkukunan at maaasahang gabay kapag kailangan nila ito.”

Sa isang ulat tungkol sa sitwasyon na inilabas noong Peb. 22, sinabi ng WHO na ang mga technical risk and social media teams nito ay “magkatuwang na nagtatrabaho” upang masubaybayan at matugunan ang mga kwento at tsismis tungkol sa SARS-CoV-2, ang virus na nagdudulot ng COVID-19, dahil sa “mataas na demand para sa napapanahon at mapagkakatiwalaang impormasyon.” Kasama dito ang paglathala ng impormasyong pangkalusugan at payo, pati na “mythbusters,” tungkol sa virus sa mga social media channel at website.

Sinabi ni Health Secretary Franciso Duque III sa isang panayam noong Enero 26 sa ANC na ang pagkalat ng hindi totoo o hindi napapatunayan na impormasyon “ay walang magagawang mabuti” kundi magdulot ng hindi kinakailangang “pagkabalisa at takot” sa mga tao.

Narito ang isang roundup ng ilan sa mga kwento at maling kuro-kuro na kumalat tungkol sa COVID-19 na nasubaybayan ng VERA Files Fact Check, at napasinungalingan ng mga iginagalang na mga health organization sa bansa at sa buong mundo.

Sa kalikasan at pinagmulan ng novel coronavirus 2019

Ang novel coronavirus, na ngayon ay tinatawag na SARS-CoV-2, ay nauugnay sa dalawang mas malakas na mga strain ng mga coronavirus:

  • ang Severe Acute Respiratory Syndrome coronavirus (SARS-CoV), na nalipat mula sa civet cats sa mga tao sa China noong 2002; at
  • ang Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus (MERS-CoV), na unang natukoy sa dromedary camels at nalipat sa mga tao sa Saudi Arabia noong 2012.

(Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Novel coronavirus: Anim na bagay na dapat mong malaman)

Matapos ang 44 na mga kaso ng pneumonia unang naiulat noong Disyembre 2019 ay natunton sa isang seafood at wildlife market sa Wuhan, China, marami ang naghaka-haka tungkol sa “etiology” o pinagmulan ng virus. Halimbawa, isang ulat sa video ang maling nagsabi na ang virus ay “nakumpirma” na nagmula sa mga paniki at naging viral ito sa Facebook (FB) noong nakaraang buwan. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: FB posts saying novel coronavirus is from bats bear FALSE HEADLINE)

Ilang mga netizen ang naloko rin ng maling mga post sa FB na nagsasabing ang isang palengke na nagbebenta ng mga paniki, aso, daga, ahas, pusa, at iba pang mga hayop ay nasa Wuhan, China, kahit na ito ay talagang nasa Indonesia. Marami sa mga nakipag-ugnay sa hindi totoong post ay nagpahayag ng galit at pagkadismaya sa “Chinese.” (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Video of bats, snakes, other animals sold at ‘Wuhan’ wet market NOT TRUE; it’s in Indonesia)

Ang SARS-CoV-2, na sanhi ng COVID-19, isang acute respiratory disease, ay inihalintulad din ni Pangulong Rodrigo Duterte sa human immunodeficiency virus (HIV) dahil ang parehong virus ay sinasabing “nagpapahina” sa katawan at “sumisira” sa white blood cells ng tao. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Ang new coronavirus ay katulad ng HIV, sabi ni Duterte. Ganoon ba?)

Panoorin ang video na ito upang malaman ang totoosa likod ng pinagmulan at likas na katangian ng SARS-CoV-2:

VERA FILES FACT CHECK: Myths debunked on nature and source of SARS-CoV-2 from VERA Files on Vimeo.

Sa transmission ng COVID-19 at kung paano ito maiiwasan

Kasunod ng anunsyo ng DOH tungkol sa unang kaso ng COVID-19 sa bansa noong Enero 30, pinayuhan ni Duque ang publiko na uminom at panatilihin “basa” ang “lalamunan” upang maiwasan ang “pagkapit” ng virus dito, na salungat sa advisory ng WHO. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Duque na “mamasa-masang lalamunan” maaaring panlaban sa COVID-19 salungat sa WHO advisory)

Pagkalipas ng dalawang araw, nagkalat ang maling pahayag ng mga netizen at pahina ng FB na nagsasabing ang SARS-CoV-2 ay “tulad ng lahat ng mga uri ng coronaviruses,” nabubuhay lamang sa malamig na panahon at hindi mabubuhay sa tropikal na klima, o kapag ang temperatura ay napakataas. Ang mga walang katotohanan na mga post ay nagrekomenda ng pag-inom ng mainit na salabat, o ginger tea, habang walang laman na tiyan sa loob ng tatlong sunud-sunod na araw sa halip na tubig upang patayin ang virus. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: FB posts claiming 2019-nCoV only survives in ‘cold weather,’ salabat a cure NOT TRUE)

Sa pagsisikap na ipaalam din sa publiko kung paano protektahan ang sarili laban sa COVID-19, si Manila Vice Mayor Honey Lacuna ay nagkamali sa pagsabing mayroong “dalawang paraan” ng pagsusuot ng surgical masks. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Manila Vice Mayor Lacuna mali ang demo ng pagsuot ng surgical mask, tinawag itong ‘tamang’ paraan)

Panoorin ang video na ito upang malaman kung ano ang maaari mong gawin upang hindi makapitan ng virus:

VERA FILES FACT CHECK: Myths debunked on COVID-19 prevention from VERA Files on Vimeo.

Ang maraming nalalaman at matamang sumusunod sa mga alituntunin ng mga awtoridad sa kalusugan ay malayo ang mararating sa pakikipaglaban sa COVID-19 at ang pangit nitong kakambal, misinformation.

 

Mga Pinagmulan

Department of Health Official Facebook, HAPPENING NOW: Press Briefing on the COVID-19, March 6, 2020

Department of Health Official Facebook, DOH COVID-19 CASE BULLETIN #001, March 15, 2020

World Health Organization, Novel Coronavirus (2019-nCoV): Situation Report 13, Feb. 2, 2020

ABS-CBN News, Virus ‘infodemic’: DOH urges Pinoys not to spread fake news on coronavirus, Jan. 26, 2020

World Health Organization, Naming the coronavirus disease (COVID-19) and the virus that causes it

World Health Organization, Novel Coronavirus (2019-nCoV) Situation Report 1, Jan. 21, 2020

Department of Health Official Website, DOH confirms first 2019-nCoV case in the country, Jan. 30, 2020

World Health Organization, Coronavirus disease (COVID-19) advice for the public: When and how to use masks, n.d.

World Health Organization, Coronavirus disease (COVID-19) advice for the public: Myth busters, n.d.

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.