(UPDATED) Maling petsa ng pagkakatatag ng International Criminal Court (ICC) ang nai-ulat kamakailan ang Philippine News Agency (PNA), ang “web-based newswire service” na pinamamahalaan ng estado.
PAHAYAG
Sa isang artikulo noong Marso 16 na sinipi ang sagot ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa pagbasura ng Supreme Court (SC) sa lahat ng mga petisyon na kumukwestyon sa unilateral na pakikipagkalas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC noong 2018, sinulat ng PNA:
“The Philippines was officially out of ICC on March 17, 2019, or exactly a year after Duterte revoked the Rome Statute, a treaty that created the international court on Nov. 1, 2011.”
(Ang Pilipinas ay opisyal na wala na sa ICC noong Marso 17, 2019, o eksaktong isang taon pagkatapos na ipawalang-saysay ni Duterte ang Rome Statute, ang tratado na lumikha sa international court noong Nob. 1, 2011.)
Pinagmulan: Philippine News Agency, It’s time for ICC to stop interfering: Panelo (Archived), Marso 16, 2021
ANG KATOTOHANAN
Nagkamali ang PNA ng petsa. Ang ICC ay itinatag noong Hulyo 17, 1998, nang ang tratado na nagtatatag nito, ang Rome Statute, ay pinagtibay ng 120 United Nations member-states, kabilang ang Pilipinas. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte MALI ANG PAHAYAG na EU ang lumikha ng ICC)
Bagamat napagtibay na, ang tratado ay umiral lamang noong Hulyo 1, 2002, ang araw din na nag umpisa ang operasyon ng ICC, matapos itong umabot sa quota na 60 mga bansa upang pagtibayin, tanggapin, aprubahan, o sumang-ayon dito. (Tingnan ang Ang ICC at ang Pinoy (Part 1))
Bago ang pagkalas, ang Pilipinas ay isang state party to the court matapos pagtibayin ng Senado noong administrasyon ni dating pangulong Benigno Aquino III ang Rome Statute noong Agosto 2011. Ang ratipikasyon ay opisyal na nagkabisa noong Nob. 1, 2011, na napagkamalan ng PNA na petsa ng pagkakatatag ng korte.
Ang international court na nakabase sa Netherlands ay nagsisilbing “court of last resort” para sa “pinakamatinding mga krimen” na bumabagabag sa buong mundo, lalo na, genocide, war crimes, crimes against humanity, at crime of aggression.
Hanggang Marso 22, may 123 state parties sa ICC, kasama ang New Zealand, Japan, at South Korea.
BACKSTORY
Noong Marso 16, inihayag ng SC ang lubos na nagkakaisang desisyon ng mga mahistrado nito na ibasura ang tatlong petisyon na kinukwestiyon ang unilateral withdrawal ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa ICC dahil sa pagiging “moot and academic.”
Mabilis na niyakap ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na dating tagapagtanggol ng ratipikasyon ng Pilipinas ng ICC, ang desisyon at inulit na ang gobyerno ay “[hindi] kinikilala” ang hurisdiksyon ng korte sa bansa.
Gayundin, sinabi ni Panelo na ang desisyon ay “tinatapos ang debate tungkol sa awtoridad ng pangulo na kumawala mula sa mga tratado at internasyonal na kasunduan,” na ito ng “natatanging” karapatan ng chief executive bilang head of state at punong arkitekto ng foreign policy ng bansa.
Ngunit habang hindi pa inilalabas ng SC ang kopya ng desisyon nito, isang press release tungkol dito ang nagsabi na “kinilala” ng korte na ang kapangyarihan ng pangulo na unilateral na kumalas sa anumang kasunduan ay napapailalim sa pagsang-ayon ng Senado o anumang umiiral na batas.
“[T]he power of the President to withdraw unilaterally can be limited by the conditions for concurrence by the Senate or when there is an existing law which authorizes the negotiation of a treaty or international agreement or when there is a statute that implements an existing treaty.”
(Ang kapangyarihan ng Pangulo na mag-withdraw unilaterally ay maaaring limitahan ng mga kundisyon para sa pagsang-ayon ng Senado o kapag mayroong isang umiiral na batas na nagpapahintulot sa negosasyon ng isang tratado o internasyonal na kasunduan o kapag mayroong isang batas na nagpapatupad ng isang umiiral na kasunduan.)
Pinagmulan: Supreme Court, Press Release, Marso 16, 2021
Lumabas ang desisyon ng SC dalawang taon matapos maging opisyal ang pagkalas ng bansa sa international court na nagkabisa noong Marso 17, 2019.
Nagpasya ang gobyernong Duterte na iwanan ang ICC noong Marso 2018, isang buwan pagkatapos ilunsad ni court chief prosecutor Fatou Bensouda ang paunang pagsusuri sa mga hinihinalang krimen laban sa sangkatauhan na isinagawa sa giyera laban sa droga. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Mga update sa paunang pagsusuri ng ICC sa giyera laban sa droga ni Duterte)
Sinabi ni Bensouda na balak niyang tapusin ang paunang pagsusuri bago matapos ang kanyang termino sa Hunyo. (Tingnan ang Ang ICC at ang Pinoy (Part 2))
UPDATE: Noong Marso 22, 7:49 p.m., nag tweet ang PNA:
Tignan dito ang updated na artikulo.
Mga Pinagmulan
Philippine News Agency, About the Agency, Accessed March 20, 2021
Philippine News Agency, It’s time for ICC to stop interfering: Panelo (Archived), March 16, 2021
International Criminal Court, The ICC at a Glance, Accessed March 16, 2021
International Criminal Court, 20 Question, Accessed March 16, 2021
United Nations, UN DIPLOMATIC CONFERENCE CONCLUDES IN ROME WITH DECISION TO ESTABLISH PERMANENT INTERNATIONAL CRIMINAL COURT | Meetings Coverage and Press Releases, July 20, 1998
International Criminal Court, The Court Today, Accessed March 16, 2021
International Criminal Court, Joining the International Criminal Court: Why does it matter?, Accessed March 22, 2021
United Nations, Ratification ceremony at UN paves way for International Criminal Court, April 11, 2002
International Criminal Court, About the ICC, Accessed March 16, 2021
United Nations, Rome Statute, Accessed March 16, 2021
Harry Roque personal blog page, ICC: At long last, Aug. 25, 2011
Presidential Communications Operations office, On the latest Supreme Court decision – Presidential Communications Operations Office, March 16, 2021
PTV, Presidential Legal Counsel on the SC decision upholding the withdrawal from the Rome Statute, March 16, 2021
Supreme Court, Press Release, March 16, 2021
International Criminal Court, The Philippines, Accessed March 16, 2021
International Criminal Court, Statement of the Prosecutor of the International Criminal Court, Fatou Bensouda, on opening Preliminary Examinations into the situations in the Philippines and in Venezuela, Feb. 8, 2018
International Criminal Court, Report on Preliminary Examination Activities (2020), Dec. 14, 2020
International Criminal Court, ICC – The Philippines becomes the 117th State to join the Rome Statute system, Aug. 30, 2011
Senate of the philippines, Committee Report No. 52 (15th Congress), Aug. 4, 2011
Official Gazette, Statement of the Presidential Spokesperson on the Philippines joining the ICC, August 24, 2011 | GOVPH, Aug. 24, 2011
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)