Mas maraming banggaan sa kalsada sa Quezon City ang nangyayari sa araw, salungat sa sinabi ni Vice Mayor Ma. Josefina “Joy” Belmonte sa isang pakikipanayam sa media.
PAHAYAG
Noong Okt. 16, binanggit ni Belmonte ang Road Safety Code ng lungsod sa isang ulat ng balita sa pang umagang palabas na “Umagang Kay Ganda.”
Sinabi niya:
“Karamihan ng kalsada, um, mga aksidente ay nangyari sa gabi, kaya sa gabi tayo magkakaroon ng higit na pagpapatupad.”
Pinagkunan: ABS-CBN. Umagang kay Ganda, Oct. 16, 2017. panoorin from 1:45:28 to 1:47:44.
FACT
Pinawawalang-bisa ng datos ng mga banggaan sa daan sa nakalipas na anim na taon ang pahayag ni Belmonte.
Ang kumpanya ng data science na Thinking Machines, gamit ang mga datos mula sa Metro Manila Accident Recording and Analysis System, ang opisyal na database ng mga banggaan sa daan ng Metro Manila Development Authority, ay nagpapakita ng kabuuang 154,613 na banggaan sa kalsada sa Quezon City mula 2011 hanggang 2016. Tatlo sa lima ang naganap sa pagitan ng 6 a.m. at 5:59 p.m.
Gayunpaman, higit na nakamamatay ang mga banggan sa kalsada, sa parehong panahon, ang naganap mula 6 p.m. hanggang 5:59 a.m., pinakamarami sa 11 p.m., sinundang malapit bandang 1 a.m.
Sinabi ni Richard Domingo, road safety unit officer ng MMDA at pinuno ng kanyang team ng kumukuha ng datos at encoders, na ito ay dahil ang mga drayber ay may posibilidad na magmaneho ng mas mabilis sa gabi.
May kabuuang 820 katao ang namatay sa 776 na banggaan sa kalsada sa Quezon City mula 2011 hanggang 2016.
Ang Road Safety Code ng lungsod, na inaprobahan ng konseho ng lungsod noong Okt. 10, ay nagbibigay ng gabay sa ligtas na pagmamaneho at gawi ng mga taong naglalakad sa Quezon City.
Ang code ay nagpapataw ng mga limitasyon ng bilis sa mga pangunahing daan, naglalagay ng daanan ng bisikleta at nagtatakda ng ilang mga paghihigpit at mga kinakailangan ng mga tricycle at pedicab.
Higit pa, ang code ay nagpapasiya ng mahigpit na pagpapatupad ng mga batas sa trapiko laban sa speeding, pagmamaneho na nakainom ng alak, nakakagambala sa pagmamaneho, at hindi pag gamit ng mga helmet, mga sinturong pangkaligtasan at mga child restraint.
Kinikilala ng World Health Organization (WHO) ang mga ito bilang mga kadahilanan ng panganib na nauugnay sa mga banggaan sa kalsada.
Mas pinipili din ng WHO ang terminong “banggan sa kalsada” kaysa “aksidente” dahil ang aksidente ay nagpapahiwatig ng hindi sadya sa halip na aktwal na mga panganib na maaaring maunawaan at maiiwasan.
Mga pinagkunan:
Metro Manila Accident Recording and Analysis System, 2011 to 2016
Global Plan for the Decade of Action for Road Safety 2011-2020
World Health Day: Road safety is no accident!
(Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.)