Skip to content
post thumbnail
  • Yearender Special

VERA FILES FACT CHECK YEARENDER: Mga pekeng quote card: Paboritong armas ng mga ahente ng disinformation sa 2019

Noong 2019, mga quote card ay ang pinaka-gamit na format sa pagkalat ng disinformation online na sinusundan ng mga video at full-text na artikulo tulad ng nasubaybayan ng Vera Files sa proyektong fact-check nito sa Facebook. Ang mga kritiko ni Duterte ang karaniwang target ng mga viral na pekeng quote, at nangunguna sa listahan si Vice Presidente Leni Robredo.

By VERA Files

Dec 30, 2019

9-minute read

Basahin sa Ingles.

ifcn badge

Share This Article

:

Noong 2019, mga quote card ay ang pinaka-gamit na format sa pagkalat ng disinformation online na sinusundan ng mga video at full-text na artikulo tulad ng nasubaybayan ng Vera Files sa proyektong fact-check nito sa Facebook. Ang mga kritiko ni Duterte ang karaniwang target ng mga viral na pekeng quote, at nangunguna sa listahan si Vice Presidente Leni Robredo.

Tatlong araw matapos na mahirang si Robredo na co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD), isang post sa Facebook (FB) na nagtatampok ng isang pekeng quote card ng bise presidente ang naging viral sa Internet.

Ang post, na ibinahagi ng higit sa 18,, 000 beses na wala pang isang araw, ay pinalilitaw na sinabi ni Robredo na “pagbabawalan” niya ang pulisya na magdala ng anumang armas sa drug operations upang “matiyak” na ang mga drug suspect ay hindi papatayin. Walang ganoong sinabi si Robredo.

Maraming mga netizen ang patuloy na nagbabahagi ng post kahit matapos itong matukoy bilang peke ng VERA Files Fact Check sa programa ng Third-Party Fact-Checking ng FB.

Ang isang quote card ay binubuo ng litrato ng isang personalidad na katabi ang pull quote, o isang bahagi ng pahayag ng taong iyon. Ginagamit ng mga organisasyon ng balita ang mga quote card ng mga pampublikong personalidad bilang isang paraan upang mas madaling maintindihan ang impormasyon ng kanilang tagasunod online.

Dahil madali gawin ang quote cards, ito ay naging isa sa mga pinaka-karaniwang mga format na ginamit upang maikalat ang disinformation online.

Sa mga 173 viral online posts na sinubaybayan at napatunayan ng VERA Files Fact Check sa pakikipagtulungan nito sa Facebook mula Enero hanggang Dis. 17, 2019, 42 o halos isang-kapat ng mga ito ay mga pekeng quote card. Kaya’t ang format na ito ang lumabas na pinaka-ginagamit na paraan upang maikalat ang disinformation online sa 2019 ayon sa aming bilang, na sinusundan ng mga video at full-text na artikulo na may 36 bawat isa.

Ang Robredo infographic ang pinaka ibinahaging pekeng quote card sa loob ng 24 na oras.

Tiningnan namin ang 42 na pekeng quote card at nakita ang mga sumusunod na pattern.

Mga kritiko ng gobyernong Duterte ang nangungunang target

Ang 42 na mga quote card ay nagtatampok lamang ng 26 mga personalidad – 11 sa mga ito ay kilalang kritiko ng administrasyong Duterte at mga patakaran nito, habang ang isa ay nauugnay sa oposisyon sa politika.

Si Robredo ang pinaka-target, na may anim na pekeng mga pahayag na naiugnay sa kanya. Ang kalahati ng mga ito ay naging viral matapos niyang tanggapin ang kanyang appointment bilang co-chair ng anti-drug inter-agency committee noong Nobyembre, kasama na ang isa tungkol sa kanyang “pagnanais” na bawalan ang mga pulis na magdala ng baril at iba pang sandata sa operasyon ng droga.

Karamihan sa mga pekeng quote card ni Robredo ay naglalarawan sa kanya bilang isang taong nagbibigay ng walang katuturang mga pahayag, o isang taong nagpoprotekta sa mga drug suspect. Ang isang bilang ng mga post ay nagta-tag sa bise presidente sa mga caption nito na may mga mapanirang-puring kataga, tulad ng “mema” o isang taong nagsasabi ng kahit ano para lamang may masabi; toxic; “Lugaw,” isang palayaw na ibinigay sa kanya ng mga kritiko matapos ang isang proyektong Lugawan na sinimulan ng kanyang mga tagasuporta sa panahon ng 2016 halalan; at bobo.

Noong 2018, ang bise presidente din ang “pinaka-karaniwang paksa ng negatibong coverage” sa mga online disinformation na sinubaybayan ng VERA Files Fact Check. (Tingnan Duterte, allies reap the most benefits from disinformation)

Ngunit hindi lahat ng mga indibidwal na na-target ng pekeng quote card ay mga personalidad sa politika.

Ang babaeng Transgender na si Gretchen Diez ay na-target ng limang magkakaibang quote card sa ng wala pang dalawang linggo, ang bawat isa sa kanila ay nakakakuha ng 39,000 o higit pang mga pakikipag-ugnay sa online. Gumawa siya ng headline noong Agosto at Setyembre nang mag live siya sa Facebook matapos na pigilan ng isang janitress na gamitin ang banyo ng mga kababaihan sa isang shopping mall sa Cubao, Quezon City.

Ang mga pekeng pahayag na nauugnay kay Diez ay inilarawan siya bilang kinatawan ng lesbian, gay, bisexual, transgender, at queer (LGBTQ +) na komunidad na may kakatwang mga kahilingan — tulad ng paggamit ng “mga pangalan ng transgender” sa pagbibigay mga bagyo, kagustuhan na magkaroon ng mga eksklusibong mga paaralan para sa LGBTQ sa bawat lungsod sa bansa, at pagdeklara ng gay lingo bilang pambansang wika ng Pilipinas — sa pagkukunwaring pagsulong ng pagkakapantay-pantay ng kasarian.

Ang mga peke na quote card ay lumaganap noong midterm elections

Ang isang ikatlo o 14 ng mga pekeng quote card na pinasinungalingan sa taong ito ay tungkol sa mga personalidad na may kinalaman sa Mayo 2019 midterm elections.

Ang dating Sen. Paolo Benigno “Bam” Aquino, na hindi na bago sa pagiging biktima sa disinformation online, at ang bagong halal na Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ay mayroong tig tatlong pekeng quote card bawat isa.

Napag-alaman ng Tsek.ph – isang proyekto ng pakikipagtulungang fact-checking na inilunsad para sa 2019 midterm elections kung saan naging bahagi ang VERA Files – sa ulat nito matapos ang eleksyon na si Aquino, kasama ang kapwa kandidato pagkasenador ng Liberal Party na si Manuel “Mar” Roxas,”ang pinaka-target (na kandidato) ng mis- at disinformation sa mga midterm.“

Sa may kaugnayan sa halalan na content online na na-flag ng VERA Files Fact Check noong 2018, si Aquino ay inilarawan bilang isang mangaagaw ng kredito at isang ipokritong tradisyunal na pulitiko (trapo). Ngayong taon, pinalabas siya bilang walang-masakit sa mahihirap at mapagkunwari, partikular sa pakikitungo sa mga magsasaka, dahil ang kanyang pangalan ay madaling nauugnay sa 2004 Massacre ng Hacienda Luisita sa sakahan na pag-aari ng mga Cojuangco sa Tarlac. Ang dating senador ay walang kinalaman sa insidente.

Samantala, si Moreno, ay na-target sa pamamagitan ng online disinformation pagkatapos niyang manalo bilang alkalde ng Maynila.

Sa tatlong pekeng pahayag na iniugnay kay Moreno, dalawa ang naglalarawan sa kanya bilang isang taong gumagawa ng mapangahas na pahayag, tulad ng paglalantad ng mga lokal na opisyal na tumatanggap ng mga “kickback” mula sa mga proyekto ng gobyerno, at pagbabawal sa mga Muslim sa Maynila.

Dalawa sa mga pekeng quote ng mayor na ibinahagi ng 13,500 beses sa kabuuan ay nai-post ng Facebook page RIP Manila.

Ang pahina, nilikha Mayo 21 o isang linggo lamang pagkatapos ng midterm elections, ay may 11,600 tagasunod, at kilala para sa paglathala ng nilalaman na lubos na kritikal kay Moreno.

Ang dating Nueva Ecija Governor Czarina Umali ay may katulad na kaso. Dalawa gawa-gawang quote card na naiugnay sa kanya ang naging viral ilang buwan bago ang halalan, kung saan tumakbo siya bilang kinatawan ng ikatlong distrito ni Nueva Ecija. Parehong mga post ay nai-lathala sa pamamagitan ng noo’y FB page NE Patrol – ngayon NE Unang Singaw – Partido Pangagago – na nilikha lamang noong Enero 2019 at may reputasyon na kritikal kay Umali at sa kanyang mga patakaran na makikita sa mga post nito.

Si Umali ay natalo sa kalaban na si Rep. Rosanna “Ria” Vergara noong Mayo.

Ang mga pahina at pangkat na nagbabahagi ng pekeng quote card ay may pagkakaiba-iba ng ‘Duterte,’ ‘Marcos’ sa kanilang mga pangalan

Ang 42 na viral pekeng quote card ay nai-post bilang orihinal na nilalaman ng hindi bababa sa 70 mga account na binubuo ng mga FB page, FB public group, domain, at pribadong netizens. Mahigit sa kalahati o 36 sa mga account na ito ay mga pahina sa FB.

Bagamat ang mga pahina ang may pinakamaraming bilang ng mga pakikipag-ugnayan at pagbabahagi para sa mga quote card, sa mga FB group paulit-ulit na ibinahagi ang mga litratong gawa nito. Walo sa nangungunang 11 pinakamadalas na magbahagi ng pekeng quote card ay mga pampublikong FB group.

Sa 54 mga FB group at pahina na natukoy, 19 ang nagdadala ng mga salitang “Duterte,” “Du30,” “DDS,” o “Digong” sa kanilang mga pangalan, habang 15 ay may salitang “Marcos” o “BBM.”

Noong 2018, isang pagtatasa ng 193 viral online disinformation na na-flag ng VERA Files Fact Check mula Abril hanggang Oktubre ay nagpakita na si Pangulong Rodrigo Duterte at ang Marcoses ang “pinakapopular na beneficiaries ng online disinformation.” Bukod sa pag-aani ng mga benepisyo mula sa pumapabor na nilalaman, ang pangalang “Duterte” ay lumitaw sa 60 na FB pages na nagsilbi bilang mga online traffic generators ng disinformation items, habang si “Marcos” ay nasa 13. (Tingnan Duterte, allies reap the most benefits from disinformation)

Tatlong FB groups ang ipinangalanan sa mga magkakapatid na Tulfo, na kilalang tagasuporta ng administrasyong Duterte. Ang mga FB group na ito ay Raffy Tulfo In Action Supporters, Raffy Tulfo Supporters, at Tulfo Brothers Worldwide.

Ang asawa ni Raffy Tulfo na si Jocelyn Tulfo ay isa sa tatlong kinatawan ng Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) Partylist sa ika-18 Kongreso.

Ang mga FB group na ito ay gumawa ng trapiko sa kabuuang pitong quote card, lima sa mga ito ang pumuntirya sa mga miyembro ng media, at mga kritiko ng mga patakaran ng administrasyong Duterte, na sina Sen. Risa Hontiveros, dating Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III, aktibistang madre na si Sr. Mary John Mananzan, at pari na si Fr. Robert Reyes.

Karamihan sa mga pekeng quote card ay ganap na gawa-gawang mga pahayag

Ang mga tagalikha ng mga pekeng quote card na sinubaybayan ng VERA Files Fact Check ay gumamit lamang ng dalawang mapanlinlang na pamamaraan sa taong ito: iniugnay nila ang isang ganap imbentong pahayag o kaya baluktutin ang umiiral na quote ng isang personalidad at linlangin ang mga netizen sa pamamagitan ng pagmamanipula nito o pagbibigay ng maling konteksto.

Tatlumpu’t anim sa 42 pekeng quote card na na-flag ay pekeng peke. Halimbawa, ang isang pekeng quote card na nagsasabing ipinahayag ni Senador Risa Hontiveros ng oposisyon na “ang pag-kidnap ay okay basta ang biktima ay hindi masaktan” ay naging viral noong Marso. Nakakuha ito ng halos 32,200 online na pakikipag-ugnayan at potensyal na umabot sa higit sa 1.3 milyong mga netizen sa kabila ng walang opisyal na rekord ng, o lehitimong ulat sa media tungkol, sa katulad na pahayag ng senador.

Ang natitirang anim na quote card ay gumagamit ng mga totoong pahayag at binigyan ang mga ito ng maling konteksto.

Ang halimbawa nito ay isang pahayag na iniugnay sa aktibistang pari na si Reyes noong Hulyo, parehong buwan nang manalo si Sen. Manny Pacquiao laban sa boksingerong si Keith Thurman, na nagsasabing “ang boxing ay hindi mahihila ang bansa palabas ng sa krisis.” Ang katotohanan, ang pahayag ni Reyes ay isang taong na at nakuha mula sa isang artikulo ng opinyon, na binigyan din ng maling konteksto.

Gayunpaman, ang post ay may potensyal na nakabot sa higit 1.5 milyong mga netizen.

 

Mga Pinagmulan

Lifewire, How to Use Pull Quotes to Add Visual Flare to Articles, Aug. 13, 2019

ABS-CBN News, Leni explains where campaign funds come from, May 3, 2016

Bulgar Online, Hindi maiaahon sa krisis ang bansa ng boksing, July 17, 2018

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.