Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Gadon nagpakawala ng maraming maling impormasyon tungkol sa paggamit ng mask, iba pang mga hakbang laban sa COVID-19

Umani ng batikos noong kalagitnaan ng Agosto dahil sa hindi wastong pagsusuot ng kanyang face mask sa publiko, na labag sa mga protocol na pangkalusugan para labanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19), ang abugadong si Lorenzo "Larry" Gadon, sa isang video sa Facebook (FB), ay nagbigay-katwiran sa kanyang mga ginawa sa pamamagitan ng hindi totoo at mapanlinlang na mga pahayag.

By VERA Files

Sep 18, 2020

12-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Umani ng batikos noong kalagitnaan ng Agosto dahil sa hindi wastong pagsusuot ng kanyang face mask sa publiko, na labag sa mga protocol na pangkalusugan para labanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19), ang abugadong si Lorenzo “Larry” Gadon, sa isang video sa Facebook (FB), ay nagbigay-katwiran sa kanyang mga ginawa sa pamamagitan ng hindi totoo at mapanlinlang na mga pahayag.

Sa isang live FB video noong Agosto 17, sinabi ni Gadon, natalong kandidato sa pagka-senador noong 2019, sa kanyang higit 1.2 milyong mga tagasunod na ang pagsusuot ng mga proteksiyon na takip, sa ibabaw ng mga face shield at mga motorcycle barrier, ay “sobra na,” at idinagdag pa:

  • may “maraming mga scientific study” ang nagsasabing ang mga mask ay dapat na isinusuot lamang sa mga enclosed na ispasyo, tulad ng sa mga elevator at conference rooms, at hindi sa labas;
  • ang mga mask ay “hindi ganoon kahalaga.” Ang Sweden, na hindi iniutos ang pagsusuot ng mga mask sa publiko, ay “kaunti ang namatay” dahil sa COVID-19;
  • kung ang lalamunan ay makati o masakit, uminom lang ng vodka para “papatayin” lahat ng “mga mikrobyo at bacteria ng COVID (sic)”;
  • mas maraming tao ang makaka-recover sa COVID-19 sa bahay kaysa sa mga ospital; at
  • Ang COVID-19 ay “nalulunasan.” Uminom lamang ng traditional Chinese medicine (TCM) o steroids, kasama ang mga antibiotic sa simula ng mga sintomas.

Ang FB video mula noon ay napanood nang hindi bababa sa isang milyong beses, at nakakuha ng higit sa 81,800 kabuuang interactions, at patuloy na ibinabahagi hanggang ngayon. May potensyal na makaabot ito sa higit 4.48 milyong katao, ayon sa social media monitoring tool na CrowdTangle.

Tumugon sa mga maling na pinagsasabi ni Gadon, si Health Undersecretary Maria Rosario Singh-Vergeire, sa isang press briefing noong Agosto 17, ay sinabing ang mga naturang pahayag ay “hindi talaga nakakatulong sa lahat.” Sinabi ni Vergeire na ang mga health care worker ang mahihirapan, kung ang mga tao ay magkaroon ng COVID-19 dahil sa pagsunod sa maling impormasyon.

Sa limang pahayag ni Gadon sa FB video, dalawa ang hindi talaga totoo, dalawa ang nangangailangan ng karagdagang konteksto, at ang isa ay nakaliligaw. Tiningnan ng VERA Files Fact Check ang bawat isa:

Infographic ng mga maling pahayag ni Gadon sa paggamit ng mask, iba pang mga hakbang laban sa COVID-19

Magbasa pa para malaman ang tungkol sa bawat pahayag

Sa mga mask na isinusuot lamang sa mga kulong na lugar

Habang wala pang “mataas na kalidad o direktang scientific na ebidensya” upang suportahan ang laganap na paggamit ng mga mask sa pangkalahatang publiko, kabilang ang malulusog na tao, sinabi ng World Health Organization (WHO):

“…to prevent COVID-19 transmission effectively in areas of community transmission, governments should encourage the general public to wear masks in specific situations and settings as part of a comprehensive approach to suppress SARS-CoV-2 (the virus that causes COVID-19) transmission.

(… upang maiwasan ang transmission ng COVID-19 sa mga lugar ng community transmission, dapat hikayatin ng mga pamahalaan ang publiko na magsuot ng mga mask sa mga tukoy na sitwasyon at setting bilang bahagi ng isang komprehensibong diskarte upang sugpuin ang SARS-CoV-2 (ang virus na sanhi ng COVID -19) transmission.)”

Pinagmulan: World Health Organization, Advice on the use of masks in the context of COVID-19, Hunyo 5, 2020

Kasama rito ang mga pampublikong setting tulad ng mga grocery store, sa trabaho, social o mass gatherings, mga kulob na lugar (tulad ng mga paaralan, simbahan o mosque), pampublikong transportasyon, at iba pang mga lugar kung saan mataas ang transmission ng virus, o kung saan hindi posible ang hindi bababa sa dalawang metro na physical distancing.

Maraming mga pag-aaral na nagpapakita ng mga mask ay nakababawas ng emission ng virus particles, tulad ng muling sinabi ng Department of Health (DOH).

Isang sistematikong pagsusuri na kinomisyon ng WHO at inilathala sa medical journal na The Lancet noong Hunyo ang nagsabing ang paggamit ng face mask ay “maaaring magresulta sa isang malaking pagbawas sa peligro ng impeksyon.”

Sinabi nito na ang datos mula sa 172 mga randomized na pag-aaral sa COVID-19, Severe Acute Respiratory Syndrome at Middle East Respiratory Syndrome, ay “nagmumungkahi” na:

[W]earing face masks protects people (both health-care workers and the general public) against infection by these coronaviruses, and that eye protection could confer additional benefit (Ang pagsusuot ng mga face mask ay pinoprotektahan ang mga tao (kapwa health workers at publiko) laban sa impeksyon ng mga coronavirus na ito, at ang proteksyon sa mata ay maaaring magbigay ng karagdagang benepisyo).”

Gayunpaman, wala sa mga interbensyon na ito, kabilang ang isang iniutos na physical distancing, ang nagbibigay ng kumpletong proteksyon sa impeksyon, idinagdag ng pagsusuri.

“Medical masks can protect people from getting infected as well as prevent the spread from those that are infected,” a global team of public health experts convened by nonprofit Meedan said in an online COVID-19 database (Ang mga medical mask ay maaaring maprotektahan ang mga tao sa pagkakaroon ng impeksyon pati na rin sa paghadlang ng pagkalat mula sa mga nahawahan),” sinabi ng isang global team ng public health experts ng non-profit Meedan sa online COVID-19 database.

Dahil ang COVID-19 ay maaaring kumalat sa pamamagitan ng iba’t ibang mga paraan ng transmission ng mga taong walang mga sintomas na walang kamalayan, ang pagsusuot ng mask ay isang “pangunahing elemento” ng tugon sa pandemic, idinagdag ni Meedan.

Sa Sweden na nagtatala ng ‘kaunting’ pagkamatay dahil sa COVID-19 sa kabila ng hindi pag utos sa publiko na magsuot ng mga mask

Bagaman totoo na ang Sweden ay hindi nagpatupad ng mga lockdown o iniutos ang pagsusuot ng mga mask, mayroon itong mas mataas na bilang ng kumpirmadong mga kaso ng COVID-19 at pagkamatay kumpara sa ibang mga Nordic na bansa nang ginawang ni Gadon ang pahayag.

Ito ang may pinakamataas na case fatality rate (CFR) sa rehiyon na 6.86 porsyento, na nakarehistro ng 5,783 pagkamatay mula sa 84,294 na kumpirmadong indibidwal na nahawahan, batay sa iniulat na datos ng WHO noong Agosto 16. Ang world average CFR ay 3.58 porsyento noong panahong iyon.

Ang Sweden ay una rin sa dami ng namamatay bawat 100,000 populasyon na 56.23 porsyento, sinundan ng Denmark na 10.67 porsyento, at Finland na 6.03 porsyento, gamit ang 2019 na datos ng populasyon mula sa World Bank.

Maraming mga kadahilanan sa likod ng mga bilang ng pagkamatay sa isang bansa, kabilang ang edad ng populasyon, kakayahan sa testing at diskarte sa pagtuklas ng mga kaso, pag-uulat ng mga kaso at pagkamatay, at pamantayan ng pangangalaga, bukod sa iba pa. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte’s remark that PH has low mortality rate needs context; VERA FILES FACT SHEET: Mga numerong gamit sa pagsukat ng tagumpay ng tugon ng gobyerno sa COVID-19 ipinaliwanag)

Sa isang pampublikong bulletin na huling na-update noong kalagitnaan ng Agosto, sinabi ng Sweden Public Health Agency, habang ang ebidensya na scientific sa pagiging epektibo ng paggamit ng mask ay “hindi pa rin sigurado” — kaya’t hindi ipinaguutos — maaaring may “mga sitwasyon kung saan ang proteksyon sa bibig ay maaaring [may] halaga.”

Idinagdag nito na ang proteksyon sa bibig ay dapat “laging makita bilang isang pandagdag sa iba pang mas mahalang mga hakbang sa pagbawas ng peligro” tulad ng pananatili sa bahay sa kaso ng mga sintomas at good hygiene dahil maaaring may peligro sa maling paniniwala sa seguridad ng mga mask.

Sa vodka na pumapatay ng mga mikrobyo, bacteria, COVID-19 virus

Ang pag-inom ng alak, tulad ng vodka, “ay hindi nagpoprotekta sa isang indibidwal laban sa COVID-19” at “maaaring maging mapanganib,” ayon sa WHO.

Sinabi ng mga public health expert ng Meedan na ang pag-inom ng alak ay maaaring “magpalala ng mga sintomas ng COVID-19” at “mapahina ang kakayahan ng katawan na labanan ang virus kung ang isang tao ay mababa ang immunity sa sakit.”

Nagiging sanhi rin ito ng iba pang mga “negatibong kahihinatnan ng kalusugan,” tulad ng mga motor at cognitive impairment, mental health impacts, karahasan, mga epekto sa pagbubuntis, at carcinogenic exposure, bukod sa iba pa, sinabi nila.

“Ang labis na pag-inom ng alak ay isang panganib na kadahilanan para sa maraming mga sakit, at ang alkohol ay dapat lamang inumin ng katamtaman, kung gagawin man,” dagdag ng mga eksperto ng Meedan.

Sa COVID-19 na ‘nalulunasan’

Habang ang ilang western, traditional, o home remedies ay maaaring magbigay ng ginhawa at makapagpagaan ng mga sintomas ng banayad na COVID-19, “walang mga gamot na nagpakita ng kakayahan na maiwasan o magamot ang sakit,” ayon sa WHO.

Ang COVID-19 ay sanhi ng isang virus na tinatawag na SARS-CoV-2 (severe acute respiratory syndrome coronavirus 2) hindi isang bacteria; kaya, ang antibiotics ay hindi gumagana laban dito, sinabi ng WHO. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Viral posts FALSELY claim COVID-19 is thrombosis, bacterial in nature)

Nagbabala ang mga eksperto ng Meedan laban sa pag-inom ng antibiotics maliban kung inireseta ng doktor. Sinabi nila na ang mga antibiotics ay ginagamit sa mga pasyente ng COVID-19 ngunit “sa paggamot lamang ng secondary bacterial infections.”

Batay sa naunang mga resulta ng clinical trials sa United Kingdom, ang pakinabang ng dexamethasone, isang steroid na ginamit upang mabawasan ang pamamaga sa saklaw na mga kondisyon, ay nakita lamang sa mga pasyente na malubhang may sakit sa COVID-19, at hindi nakita sa mga pasyente na may “mas banayad na sakit.”

Sa isang press release noong Hunyo 17, binalaan ng DOH ang publiko laban sa hindi iniresetang paggamit ng dexamethasone nang walang pangangasiwa ng doktor.

Maraming mga patuloy na clinical trials ng parehong western at tradisyunal na mga gamot. Hindi inirerekomenda ng WHO ang self-medication, kasama ang mga antibiotics, bilang pangkontra at gamot.

Sa mas maraming mga tao ang gumagaling sa bahay kaysa sa mga ospital

Sa Pilipinas, 91.1 porsyento ng 49,094 ng kumpirmadong aktibong mga pasyente ng COVID-19 noong Agosto 17 ay nakakaranas ng banayad na sintomas ngunit may stable na vital signs, at 6.5 porsyento ay mga asymptomatic, batay sa datos ng DOH. Samakatuwid, hindi sila kailangang ipasok sa isang treatment facility.

Sa isang memorandum na inilabas ng Department of Interior and Local Government noong Hulyo 17, ang mga pasyente na walang sintomas o ang mga may banayad na sintomas ng COVID-19 ay maaaring magpasya na sa bahay na lamang mag quarantine kung:

  • mayroon silang sariling silid na may hiwalay na banyo; at
  • hindi sila nakatira kasama ang iba na mahina ang panlaban sa sakit, tulad ng mga may comorbidities, senior citizen, o mga buntis.

Sa ilalim ng programang “Oplan Kalinga” ng gobyerno, ang mga pasyente ng COVID-19 na “hindi makasunod sa mga home quarantine protocol na itinakda ng gobyerno ay ililipat sa mga isolation facility.” (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Roque contradicts Año on COVID house-to-house operations, blames gov’t critics)

Kung ang isang indibidwal ay may ubo, lagnat, o nahihirapan sa paghinga — pinapayuhan siyang magpatingin sa doktor nang maaga.

Si Gadon – na kilala sa pagsulong ng impeachment ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno noong 2018 at sa pagmumura sa mga tagasuporta nito — ay hindi ang nauna sa pagkakalat ng maling impormasyon tungkol sa pagsusuot ng mga face mask. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Face masks misconceptions debunked)

Ito ang pang-apat na beses na na-flag siya ng VERA Files Fact Check dahil sa pagkakalat ng disinformation. Tingnan ang:

 

Mga Pinagmulan

People’s Television Network official Facebook, Usap-usapan ngayon sa social media ang paraan ng pagsusuot ng face mask ni Atty. Larry Gadon, Aug. 15, 2020

Official Gazette of the Philippines, Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine in the Philippines with Amendments as of July 16, 2020

Department of Health, Administrative Order No. 2020-015: Guidelines on the Risk-Based Public Health Standards for COVID-19 Mitigation, April 27, 2020

Atty Larry Gadon official Facebook page, FACE SHIELD x FACE MASK…, Aug. 17, 2020

Department of Health official Facebook, DOH Media Forum, Aug. 17, 2020

Face masks should be worn in public settings

Sweden no face mask and lockdown policy

Vodka does not kill germs, bacteria, and COVID-19 virus

COVID-19 should not be treated with self-medication

COVID-19 patients are not required to stay at hospitals if they have mild symptoms or are asymptomatics

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.