Sa apat na bahaging seryeng ito, ang VERA Files Fact Check ay nagkalap ng importanteng impormasyon tungkol sa anim na mga nangungunang kandidato na nais maupo sa Malacañang, at ang kani-kanilang mga katuwang na bise presidente, upang matulungan ang mga botante na gumawa ng napakahalagang desisyon. Kasama sa part 2 ng seryeng ito ang tatlong presidential bets, sina dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Sen. Emmanuel “Manny” Pacquiao, at Vice President Maria Leonor “Leni” Robredo.