‘Walang pagkakaiba ‘yung pagiging Tsinoy ko sa pagiging Pinoy n’yo’
Para sa Tsinoy activist na si Teresita Ang See, hindi dapat maging hadlang ang lahi, lenggwahe at kulturang kinalakihan para makialam sa estado ng bansa.
Abangan ang What the F?! tuwing makalawang Martes para sa kakaibang paraan ng paghahatid ng impormasyon.
Walang murahan dito sa What the F?! Usapang FACTS lang. Hihimayin at bubusisiin ng VERA Files ang maiinit na isyu para mas madali itong maintindihan.
SUBSCRIBE: Spotify | Apple Podcasts | Google Podcasts | YouTube | Spotify for Podcasters
Para sa Tsinoy activist na si Teresita Ang See, hindi dapat maging hadlang ang lahi, lenggwahe at kulturang kinalakihan para makialam sa estado ng bansa.
Matapos maglabas ng bagong “10-dash line” map ang China, ano ang pwedeng gawin ng Pilipinas para tablahin ang pang-aangkin nito sa halos buong South China Sea? Pakinggan ang mga suhestiyon ni Dr. Chester Cabalza, dito sa episode ng #WhatTheFPodcast.
Umani ng kaliwa’t kanang batikos ang China matapos itong maglabas ng bagong “standard map” noong Aug. 28. Dito sa episode ng What The F?! Podcast, pakinggan ang paliwanag ni Dr. Chester Cabalza, isang security analyst, kung ano ang intensyon ng China sa pagpapalabas ng bagong mapa.
Kamakailan, naglabas ng listahan ng departure requirements ang Inter-Agency Council Against Trafficking para raw protektahan ang Filipino travelers at siguraduhin na hindi sila mabibiktima ng mga sindikato ng human trafficking. Makalipas ang isang linggo, Aug. 31, sinuspende ito ng Department of Justice.
Katapangan. Kabayanihan. Pagsisilbi sa bayan. Ano nga ba ang kabuluhan ng pagiging Medal for Valor awardee? Pakinggan ang kwento ni retired colonel Ariel Querubin, isa sa most bemedalled officers ng Armed Forces of the Philippines.
Hindi nagkukulang ang Pilipinas sa mga batas at ordinansa para maging ligtas ang mga motorista at publiko sa kalsada. Pero bakit nga ba hanggang ngayon ay hirap pa ring maiwasan ang mga road crash dahil sa humaharurot na mga sasakyan at hindi maingat na pagmamaneho?
Naging usap-usapan si Sen. Imee Marcos nang sabihin niyang “suot niya ang buong Cordillera” sa huling State of the Nation Address ng kanyang nakababatang kapatid, si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ano ba ang ibig sabihin nito para sa indigenous peoples communities?
Bagong logo, bagong slogan, “Bagong Pilipinas”… Ramdam mo ba ang pagbabago?
Paano na ang mga usapin sa West Philippine Sea at soberanya ng bansa? Eh, ang imbestigasyon sa drug war ng Duterte administration?
Sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, sinabi niya na “sound and improving” ang estado ng bansa. Eh, feel mo ba? Pakinggan ang kuro-kuro ng editors ng VERA Files.