VERA FILES FACT CHECK: Jay Sonza nag post ng maling litrato sa Leni b-day Pasay rally
Niligaw ni dating broadcaster Jay Sonza ang mga tao sa pamamagitan ng paggamit ng ibang litrato sa isang Facebook (FB) “congratulatory” post sa bilang ng mga dumalo sa #ArawNa10To! rally na ginanap sa Pasay City noong April 23 para kay Vice President Leni Robredo. Ang kanyang post ay nagpakita ng litrato ng rally sa Mandaue City, Cebu noong Abril 21.





