Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Jay Sonza nag-share ng pekeng ‘ABS-CBN’ post sa GCQ guideline para sa mga senior citizen

Dumadagdag sa mga panawagan na huwag irenew ang prangkisa ng ABS-CBN, inilathala ni dating broadcaster Jay Sonza bilang totoo ang isang satirical post na nagsasabing ibinalita ng network na ang mga senior citizen ay papayagan na lumabas sa kanilang bahay sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) “kung sila ay sinasamahan ng kanilang mga magulang."

By VERA Files

May 5, 2020

5-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Dumadagdag sa mga panawagan na huwag irenew ang prangkisa ng ABS-CBN, inilathala ni dating broadcaster Jay Sonza bilang totoo ang isang satirical post na nagsasabing ibinalita ng network na ang mga senior citizen ay papayagan na lumabas sa kanilang bahay sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) “kung sila ay sinasamahan ng kanilang mga magulang.”

Tatlong beses nang na-flag ng VERA Files Fact Check si Sonza dahil sa pagkakalat ng disinformation sa social media.

PAHAYAG

Noong Mayo 4, ang araw ng pagtatapos ng prangkisa ng higanteng ABS-CBN media network, nag-upload si Sonza ng screen capture ng isang Facebook (FB) post, na tinanggal ang pangalan ng publisher at petsa ng pag-post. Nagtampok ito ng isang “Breaking News” social media card ng ABS-CBN at ang caption:

BREAKING NEWS (NAGBABAGANG BALITA):

IATF has allowed Seniors to go anywhere they like during the GCQ as long as they are accompanied by their parents (Pinayagan ng IATF ang mga Senior na pumunta kahit saan nila gusto sa panahon ng GCQ basta sila ay sinasamahan ng kanilang mga magulang).”

Pinagmulan: Jay Sonza, “This is just one example…,” Mayo 4, 2020

Si Sonza, sa kanyang tinanggal na ngayon na post, ay nagsulat ng kanyang caption na ang ulat ay isang halimbawa “kung bakit ang Network (sic) na ito nararapat na hindi mabigyan ng panibagong prangkisa ng gobyerno na magwawakas ngayon.”

Ang post ni Sonza ay nagkaroon ng iba’t ibang mga reaksyon mula sa mga netizen na nag share at nagkomento dito, kasama ang ilan na nagtanong kung ang ABS-CBN ay “may mga editor o proofreader,” at ang iba ay hindi paniniwalang nagtatanong kung ito ay totoo.

ANG KATOTOHANAN

Isang search sa pamamagitan ng mga post at tweet ng opisyal na FB at Twitter account ng ABS-CBN News ay nagpapakita na ang litrato na ibinahagi ni Sonza ay hindi nai-post ng media organization.

Ilang oras matapos mailathala ni Sonza ang kanyang pekeng post, naglabas ang ABS-CBN ng isang advisory na nagsabing hindi ito ang naglabas ng graphic.

Pinaalalahanan pa nito ang publiko na “basahin ang mga ulat mula sa mga lehitimong news account” bago mag share ng mga post sa online.

Ang pekeng post ay lumutang matapos linawin ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Amerging Infectious Diseases for the coronavirus disease (COVID-19) noong Abril 30 na ang GCQ ay hindi isinasailalim ang mga senior citizen sa house arrest.

Sa isang pahayag na binasa ni Communications Secretary Martin Andanar, sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na ang mga senior citizen na “aktibong nagtatrabaho o nagpapatakbo ng mga negosyo,” bukod sa mga kailangan magpatingin sa doktor at bumili ng pagkain at mga gamot, ay pinapayagan na lumabas sa kanilang mga bahay.

Ang paglilinaw ay inihayag kaugnay ng isang probisyon sa ilalim ng Executive Order No. 112, na nagtatakda ng mga patnubay para sa pagpapatupad ng GCQ sa mga napiling lugar sa bansa. Ipinaguutos nito sa mga indibidwal na wala pang 21 taong gulang at 60 taong gulang at mas matanda “na manatili sa kanilang mga tirahan sa lahat ng oras” maliban kung “kukuha ng mahahalagang kalakal at serbisyo o para sa trabaho sa pinapayagan na mga industriya at tanggapan.”

Ipinapakita ng social media monitoring tool na CrowdTangle na ang mga post ng pekeng ulat tungkol sa patnubay ng GCQ ay unang umikot sa online nang walang Breaking News card noong Mayo 3. Ang pinakaunang nakuhang post na may parehong pekeng caption at ang social media card ng ABS-CBN ay sa pamamagitan ng isang netizen na nag label dito bilang “gv” o good vibes.

Ang karamihan ng reaksyon na natanggap ng post ay ‘Haha’ mula sa mga netizen, kasama ang mga komentista na sarkastikong sumasang-ayon na ang mga matatanda ay “kailangang alagaan ang mga senior citizen” kung sakaling sila ay mag “magluko.”

Noong Mayo 5, ang CrowdTangle ay nakapagtala ng 45 na FB posts ng mga pribadong netizen, pages, at pampublikong grupo na nagbabahagi o nag-republish ng pekeng ulat, na nakakakuha ng pinagsamang kabuuan na higit 7,700 interactions. Nag-iisa lamang ang post ni Sonza, bago ito tinanggal, na nakakuha ng higit sa 3,700 reaksyon, 800 komento, at 600 shares.

Sinabi ng National Telecommunications Commission sa halos umpisa ng taon na bibigyan nito ang ABS-CBN ng pansamantalang awtoridad na magpatuloy ng operasyon habang hinihintay ang pag-renew ng prangkisa nito. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Ang palaisipan sa prangkisa ng ABS-CBN)

 

Mga Pinagmulan

ABS-CBN News, “President Duterte directs PhilHealth…,” May 4, 2020

Jay Sonza, “This is just one example…,” May 4, 2020

ABS-CBN News, Official Facebook page, Aug. 13, 2008

ABS-CBN News, Official Twitter account, August 2008

ABS-CBN News, “FAKE. Hindi galing sa ABS-CBN…,” May 4, 2020

Presidential Communications Operations Office, Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio, April 30, 2020

Official Gazette, Executive Order No. 112, April 30, 2020

TOP CARS Manila, “Sino may mali?,” May 3, 2020

Kay Sison, “Hahaha gv,” May 3, 2020

CNN Philippines, NTC to issue provisional authority to ABS-CBN pending franchise renewal bid, March 10, 2020

Rappler, NTC ‘most likely’ to grant ABS-CBN provisional authority to operate, March 10, 2020

Philstar.com, NTC to issue provisional authority to ABS-CBN, March 10, 2020

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.