Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT SHEET: Ang paninindigan ng PH gov’t sa industriya ng tabako, novel products

Tumaas ang tensyon sa pagitan ng Department of Health (DOH) at ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa ikasiyam na sesyon ng Conference of the Parties (COP) to the World Health Organization Framework Convention on Tobacco Control (WHO FCTC). Hindi nagkasundo ang dalawang ahensya ng gobyerno sa mga pangunahing isyu na kinasasangkutan ng novel tobacco products.

By VERA Files

Nov 15, 2021

5-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Tumaas ang tensyon sa pagitan ng Department of Health (DOH) at ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa ikasiyam na sesyon ng Conference of the Parties (COP) to the World Health Organization Framework Convention on Tobacco Control (WHO FCTC). Hindi nagkasundo ang dalawang ahensya ng gobyerno sa mga pangunahing isyu na kinasasangkutan ng novel tobacco products.

(Tingnan ang Philippine government promotes tobacco industry interests at global health forum; civil society outraged; DOH, DFA at loggerheads on tobacco issue in global health meet)

Ang resulta, nakatanggap ang Pilipinas ng pinakamaraming “Dirty Ashtray” awards sa limang araw na kumperensya: isa para sa paggigiit sa mga susog “na hindi nakatutulong at madalas na nakakalito na mga salita,” isa pa para sa pagtatangkang hadlangan ang pag usad ng usapin sa COP sa 11th hour, at para sa paggamit ng pamamahala sa pasanin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) para “bale-walain” ang FCTC sa kabila ng “mga kaugnayan ng tabako, hindi nakahahawang sakit, at COVID-19.”

Ang “dirty ashtray” award ay ibinibigay sa “mga partido na kumikilos sa ngalan ng big tabacco at iba pang masamang pag-uugali” ng Framework Convention Alliance (FCA), isang koalisyon ng higit sa 300 organisasyon mula sa 100 bansa para sa pagkontrol sa tabako.

Ang delegasyon ng Pilipinas na pinamumunuan ng DFA ay hindi sang-ayon sa posisyon ng health department sa mga isyu na may kinalaman sa papel ng industriya ng tabako sa kalusugan ng publiko hanggang sa mga epekto sa kalusugan ng mga e-cigarette.

Sinubaybayan ng VERA Files Fact Check ang kanilang mga pahayag dito:

Ano ang ibig sabihin ng magkasalungat na paninindigan ng DFA at DOH para sa Pilipinas?

Ilang public health groups, kabilang ang mga dating health secretaries, ang humimok kay Pangulong Rodrigo Duterte na italaga ang DOH “bilang permanenteng lead sa pagsulong ng mga interes ng pampublikong kalusugan” sa WHO FCTC.

“Sa halip na purihin ang industriya ng tabako, ang lahat ng ahensya ng gobyerno ay dapat sumumpa sa mas malakas na mga patakaran sa pagkontrol ng tabako at protektahan ang mga patakarang ito laban sa mga mapanlinlang na taktika at estratehiya ng mga kumpanya ng tabako,” sabi nila sa isang pinagsamang pahayag noong Nob. 14.

Sa pagpapawalang-bisa sa posisyon ng delegasyon ng Pilipinas na ipinahayag ng DFA, binigyang-diin ng mga eksperto ang “hindi sapat na siyentipikong ebidensya” at ang kakulangan ng medical consensus na sumusuporta sa mga pahayag na ang electronic smoking products ay “mas ligtas o healthier na mga alternatibo o na tinutulungan nila na huminto ang mga naninigarilyo.”

Noong 2019, sinabi ni Duterte na ipagbabawal niya ang paggamit at pag angkat ng mga e-cigarette, na inilarawan ang mga ito bilang “nakalalason” at, tulad ng paninigarilyo ng tabako, “maaaring mahawahan ang mga tao.”

Gayunpaman, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa virtual global conference na ang “total ban ay wala sa mga plano, o ang paglipol sa pamamagitan ng matinding pagpapataw ng buwis.” Idinagdag niya, “ang mga ban ay magtutulak lamang sa mga operator na mag underground at ipalit ang smuggling.”

Nilagdaan ni Duterte bilang batas ang apat na bahagi ng walong tax reform package, kabilang ang dalawa na nagpapataas ng ‘sin’ taxes sa alak, tabako, at e-cigarettes, batay sa isang VERA Files tracker ng kanyang mga pangako sa 2020 State-of-the-Nation Address. (Tingnan ang SONA 2020 Promise Tracker: Economy)

Habang iginiit ni Locsin na ang mga panukalang tax measure ay “ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga e-cigarette at mga flavoring sa mga vapor product sa mga menor de edad,” ipinasa ng House of Representatives ang panukalang batas sa ikatlong pagbasa noong Mayo ng taong ito na nagbababa ng minimum age ng mga maaaring maka-access ng mga novel tobacco product sa 18 taong gulang mula 21 sa ilalim ng umiiral na batas. Ang katapat nito sa Senado ay pinagtatalunan pa sa plenaryo.

Ang DOH at iba pang advocacy groups ay nagsusulong ng limitasyon na 21 taong gulang, dahil sa mga potensyal na pinsala sa kalusugan ng novel tobacco products sa isang mas batang age group. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Ano ang ibig sabihin ng pagbaba ng edad sa mga paghihigpit sa e-cigarette smoking para sa kabataan)

“Ang tatlong Dirty Ashtray Awards na natanggap ng delegasyon ng Pilipinas sa COP9 ay isang black mark sa aming mga pagsisikap na pigilan ang tumataas na bilang ng mga namamatay na dulot ng industriya ng tabako,” sabi ng public health experts, na nalulungkot na “isinasantabi at hindi pinapansin ang propesyonal na opinyon ng mga doktor at mga eksperto sa kalusugan, at maging ang mga awtoridad sa kalusugan ng pambansang pamahalaan” sa paglalahad ng posisyon ng bansa.

 

Tala ng editor: Ang VERA Files ay bahagi ng Project Seeing Through the Smoke, na mayroong suporta mula sa International Union Against Tuberculosis and Lung Disease, Inc (The Union) at Bloomberg Philanthropies.

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

WHO FCTC, Philippines – Statement WHO FCTC Global Progress Report 2021, Nov. 8, 2021

Department of Health, DOH OPPOSES AND DISSOCIATES FROM STATEMENT OF PH DELEGATION IN FCTC COP9, Nov. 10, 2021

ImagineLaw, https://www.facebook.com/imaginelawPH/photos/a.733768756786738/1984402991723302/, Nov. 14, 2021

Duterte on banning e-cigarette products

Official Gazette, Republic Act No. 11467

Official Gazette, Republic Act No. 11346

Official Gazette, Executive Order No. 106

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.