Nakatakdang umupo sa ika-16 ng Hunyo 2021 bilang bagong chief prosecutor ng International Criminal Court (ICC) ang British lawyer na si Karim Khan, ang kapalit ng magre-retirong si Fatou Bensouda. Bago bumaba sa puwesto, tinitiyak ni Bensouda na kanyang ilalabas ang desisyon kung dapat imbestigahan ang “crimes against humanity” na naganap umano sa kampanya laban sa droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.
By Charmaine Deogracias and Ivel John Santos
|
Mar 11, 2021
|