Sa isang pahayag sa media noong Hulyo 5, sinabi ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. na naghain siya noong Hunyo 30 ng panukalang batas na nagmumungkahi na palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at gawing Ferdinand E. Marcos Sr. International Airport. Binigyan-katwiran niya ang panukala sa pamamagitan ng pagsasabing "ginawa" ang paliparan sa ilalim ng administrasyon ng yumaong diktador. Ito ay nakaliligaw.