Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Duterte sa hindi pagiging miyembro ng PH sa ICC kulang ng konteksto

WHAT WAS CLAIMED

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang dapat kasuhan at litisin sa Pilipinas kaugnay ng mga paglabag sa karapatang pantao bunga ng kanyang war on drugs dahil hindi na miyembro ng International Criminal Court ang bansa.

OUR VERDICT

Kailangan ng konteksto:

Ang ICC Pre-Trial Chamber I ay nagpasiya noong Setyembre 2021 na ang lahat ng krimen na may kaugnayan sa drug war na naganap sa panahon ng pagiging miyembro ng Pilipinas mula Nob. 1, 2011 hanggang Marso 16, 2019 ay nasa ilalim pa rin ng hurisdiksyon nito.

By VERA Files

Jun 17, 2022

5-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Nangangailangan ng konteksto ang pahayag ni outgoing President Rodrigo Duterte na hindi na miyembro ng International Criminal Court (ICC) ang bansa.

PAHAYAG

Sa isang pagbisita sa depot ng ginagawang Metro Manila Subway Project sa Valenzuela City noong Hunyo 12, sinabi ni Duterte na gusto niyang “alisin” sa kanyang sarili ang pagkamuhi sa iligal na droga ngayong magtatapos na ang kanyang anim na taong termino ngayong buwan.

Sa pagtitiyak sa pulisya at militar na sangkot sa mga pagkamatay na nagresulta mula sa mga operasyon ng iligal na droga, sinabi ni Duterte na aakuin niya ang “buong pananagutan” para sa lahat ng mga aksyon na ginawa sa pagpapatupad ng tungkulin:

“Kayong mga human rights, huwag ninyong isali ‘yang mga pulis. Nagtutupad lang ‘yan sa utos ko. Ako ang ihuli ninyo.

 

And itong ICC, International Criminal Court, hindi tayo member. I am a Filipino. If I will be charged criminally, it should be before a Filipino court. And if there’s somebody who will judge me, it will be a Filipino judge. And if somebody will prosecute me, it must be a Filipino prosecutor. The courts are there. There is no failure of justice.”

 

(At itong ICC, International Criminal Court, hindi tayo miyembro. Ako ay isang Pilipino. Kung kakasuhan ako ng kriminal, dapat sa korte ng Filipino. At kung mayroon man maghuhusga sa akin, siya ay hukom na Pilipino. At kung may maglilitis sa akin, siya ay Filipino prosecutor. Nariyan ang mga korte. Walang pagkabigo ng hustisya.)

 

Pinagmulan: Presidential Communications Operations Office official website, Lowering of the Tunnel Boring Machine and Inspection of the Subway Depot (transcript), Hunyo 12, 2022, panoorin mula 17:18 hanggang 18:09

ANG KATOTOHANAN

Ang ICC Pre-Trial Chamber I ay nagpasiya noong Setyembre 2021 na ang lahat ng krimen na may kaugnayan sa drug war na naganap sa panahon ng pagiging miyembro ng Pilipinas mula Nob. 1, 2011, hanggang Marso 16, 2019, ay nasa ilalim pa rin ng hurisdiksyon nito.

Noong Set. 15, 2021, inilabas ng ICC chamber ang desisyon nito na nagpapahintulot sa tagausig na maglunsad ng ganap na pagsisiyasat sa umano’y mga krimen laban sa sangkatauhan tulad ng extrajudicial killings, tortyur, at sexual violence na pangunahing nangyari sa pagpapatupad ng giyera laban sa droga ni Duterte. Ang dating tagausig na si Fatou Bensouda (hinalinan ni Karim Khan noong Hunyo 2021) ay humiling ng imbestigasyon sa mga paratang na humigit-kumulang 12,000 hanggang 30,000 Pilipino ang namatay sa kamay ng mga pulis, militar at vigilante sa ilalim ng kampanya laban sa ilegal na droga mula Hulyo 2016 hanggang Marso 16, 2019.

Wala nang dalawang linggo ang natitira sa kanyang pamamalagi sa Malacañang, iginiit ni Duterte na dapat siyang kasuhan sa korte ng Pilipinas at hindi sa ICC na nasa Netherlands. Nagpatuloy din siya sa maling akusasyon sa ICC bilang isang “hukuman ng mga puti.”

(Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Sa loob ng dalawang minuto, Duterte kinontra ang sarili sa imbestigasyon ng ICC sa drug war at VERA FILES FACT CHECK: Sa kung ilang pagkakataon, Duterte inulit ang maling pahayag na lahat ng mga hukom ng ICC ay ‘puti’)

Sa ilalim ng mga panuntunan ng ICC, ang nakaupong opisyal ng estado tulad ni Duterte ay walang immunity sa criminal prosecution sa korte. Kung si Duterte ay pinangalanang suspek, dapat siyang dalhin sa punong-tanggapan ng korte sa The Hague para sa posibleng kumpirmasyon ng mga kaso at paglilitis. Magkakaroon din siya ng karapatang hamunin ang hurisdiksyon ng korte o admissibility ng kaso. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: ICC can strip off Duterte’s immunity)

Gayunpaman, walang ipinalabas na summons o warrant of arrest laban sa sinumang suspek matapos pansamantalang suspindihin ni Khan ang lahat ng “mga aktibidad sa pagsisiyasat” dahil sa kahilingan ng gobyerno ng Pilipinas noong Nobyembre 2021 na ipagpaliban ang mga lokal na paglilitis.

(Tingnan ang Lawyers’ groups ask ICC to dismiss Duterte govt’s ‘paper-thin’ claims on drug war ‘remedies’ at ICC prosecutor: Gov’t request to defer drug war probe must be backed with ‘substantial’ evidence)

Sa isang email noong Hunyo 16, sinabi ng opisina ni Khan na nagsusumikap ito upang agad na tapusin ang pagtatasa nito sa kahilingang pagpapaliban ng gobyerno, na kailangang patunayan na ang mga domestic proceeding ay tunay na isinasagawa. Bagama’t walang deadline, sinabi ng tanggapan na malapit na itong magpasya “kung mag-aaplay sa Pre-Trial Chamber upang muling pahintulutan ang pagsisiyasat” kasunod ng maingat na pagsusuri ng nauugnay na impormasyon.

Alamin ang higit pa tungkol sa ICC sa aming mga fact sheet:

 

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

Presidential Communications Operations Office official website, Lowering of the Tunnel Boring Machine and Inspection of the Subway Depot (transcript), June 12, 2022

International Criminal Court official website, Situation in the Philippines: ICC Pre-Trial Chamber I authorises the opening of an investigation, Sept. 15, 2021

International Criminal Court official website, Information for victims from the Republic of the Philippines, Accessed June 16, 2022

International Criminal Court official website, Decision on the Prosecutor’s request for authorisation of an investigation pursuant to Article 15(3) of the Statute, Sept. 15, 2021

Presidential Communications Operations Office official website, Speech of President Rodrigo Roa Duterte during his attendance to the Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP-Laban) Cainta Campaign Rally, May 3, 2022

International Criminal Court official website, Rome Statute of the International Criminal Court,  Accessed June 16, 2022

International Criminal Court official website, ICC Prosecutor, Mr Karim AA Khan QC, notifies Pre-Trial Chamber I of a request from the Republic of the Philippines to defer his investigation under article 18(2) of the Rome Statute | International Criminal Court, Nov. 23, 2021

Email correspondence with the Office of the Prosecutor International Criminal Court, June 16, 2022

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.