Sakaling mabigo ang Pilipinas na makabuo ng mas malaking supply ng kuryente sa gitna ng inaasahang pagkaubos ng Malampaya gas field, nagbabala ang 2021 Energy Resource Guide ng Department of Energy na "mahaharap sa isang malaking krisis sa enerhiya” ang bansa. Narito ang apat na bagay na dapat mong malaman tungkol sa proyekto.