Hindi bababa sa isang Facebook (FB) page at tatlong netizens, kasama ang singer at lantad na kritiko ng administrasyon na si Jim Paredes, ang nagbahagi ng isang pekeng quote card na nagpapakita kay Sen. Christopher Lawrence "Bong" Go na nagsasabing hindi dapat "sinaktan” ng higante ng media na ABS-CBN “ang damdamin ni Pangulong Rodrigo Duterte” kung ayaw nitong maipasara.