Skip to content
post thumbnail
  • Yearender Special

VERA FILES FACT CHECK YEARENDER: Ang papel ng administrasyong Duterte sa COVID misinformation

Sinalubong ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang gobyerno ang dagsa ng mga maling mga pahayag tungkol sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa pamamagitan ng pagtugis sa tinutukoy nitong “fake news."

By Meeko Angela Camba at Blanch Ancla

Dec 19, 2020

6-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

VERA FILES FACT CHECK YEARENDER: Ang papel ng administrasyong Duterte sa COVID misinformation

Sinalubong ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang gobyerno ang dagsa ng mga maling mga pahayag tungkol sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa pamamagitan ng pagtugis sa tinutukoy nitong “fake news.”

Sa kasamaang palad, kahit mga pampublikong opisyal, na inaasahan ng mga Pilipino na mapagkukunan ng patnubay at mapagkakatiwalaang impormasyon, ang mismong pinagmumulan ng mali at hindi tamang impormasyon tungkol sa krisis sa kalusugan.

Apat sa lima, o 80.39% ng 51 pahayag na may kaugnayan sa COVID-19 na kinalat ng mga kilalang personalidad ang na-flag ang VERA Files Fact Check mula Enero hanggang Dis. 4 ng taong ito ay gawa ng mga opisyal ng gobyerno sa iba`t ibang kagawaran at antas. Kasama rito ang mga mali, walang batayan, at maling konteksto na mga pahayag tungkol sa mga umano’y lunas at panggamot, safety precaution, at ugon ng gobyerno, bukod sa iba pang mga tema.

Narito ang tatlong mga trend na lumitaw mula sa aming mga ulat:

Si Duterte ang nangungunang pinagmumulan ng COVID misinformation

Tinalo ng pangulo ang lahat ng opisyal pagdating sa pagbibitaw ng mga maling impormasyon at flip-flop tungkol sa pandemic, nakapagtala siya ng tinatayang halos kalahati ng 41 mga pahayag na na-fact check.

Note: I-click ang litrato ng bawat opisyal ng gobyerno upang makita ang mga kaugnay na fact check.

Sa 19 na na-flag na pahayag ni Duterte, 10 ang na-rate na hindi totoo. Kasama rito ang maling pahayag na inulit niya sa isang address noong Hulyo 31 tungkol sa paggamit ng gasolina at diesel bilang mga kahalili ng alkohol para ma-disimpektahan ang face mask o mga kamay.

Nauna nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa media na ang pangulo ay “nagbiro lang” matapos na una nitong sabihin ang hindi ligtas na rekomendasyon noong Abril 16, at muli noong Hulyo 20. Ngunit iginiit ni Duterte na siya ay seryoso. (Tingnan ang Duterte ikinaila ang sinabi ng spox; inuulit ang mali, hindi ligtas na pahayag sa paggamit ng gasolina bilang disinfectant)

Hindi lamang iyon pagkakataon na inulit ng pangulo ang mga kasinungalingan na nauugnay sa COVID-19. Sa hindi bababa sa dalawang magkakahiwalay na mga pampublikong address, sinabi niya ang walang katotohanang pahayag na ang mga bakuna ay “ginagawa ng katawan ng [tao]” upang labanan ang impeksyon. (Tingnan ang Duterte urong-sulong tungkol sa banta ng komunista, mali ang pahayag sa mga bakuna; Duterte inulit ng maling pahayag na ang mga bakuna ay gawa mula sa katawan ng tao)

Mali rin siya nang sabihin, nang hindi bababa sa dalawang beses — kasama ang kanyang pangalawa sa huling State of the Nation Address — na ang mga pandemic ay nagaganap “isang beses bawat siglo.” (Tingnan ang Duterte mali sa COVID-19 response timeline, kasaysayan ng pandemic; #SONA2020 VERA Files’ live fact check)

Mahigit sa isang-katlo, o pito sa 19 na na-flag na pahayag ni Duterte, ang tungkol sa tugon niya at ng gobyerno sa pandemic. Kabilang sa mga ito ay noong sinabi niya sa sambayanan noong unang bahagi ng Abril na siya ay “nagbabala” tungkol sa “nakamamatay” na virus na ito “sa simula pa lamang,” pero, sa katunayan, minaliit niya noong umpisa ang tindi ng outbreak. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte sinabing nagbabala siya tungkol sa ‘nakamamatay’ na COVID-19 mula pa sa simula. Hindi naman.)

Iginiit ng Palasyo na kumilos kaagad ang PH upang mapigilan ang pagkalat ng virus

Mula sa kanyang umanong “maagang babala” tungkol sa virus, si Duterte at ang kanyang tagapagsalita, sa mga pahayag na sinuri ng VERA Files Fact Check, ay tuloy-tuloy na itinulak ang kuwento na kumilos nang mas maaga ang gobyerno kaysa sa aktwal na ginawa nito upang matugunan ang pandemic.

Hindi bababa sa dalawang beses noong Abril, sinabi ni Duterte na ang Pilipinas ang kauna-unahan sa Asia na nagpatupad ng isang lockdown upang mapigilan ang pagkalat ng virus. Hindi ito totoo. Naulit ito ni Roque sa isang press briefing nang susunod na buwan at, muli, noong Setyembre, na nililimitahan ang saklaw sa Southeast Asia.

China ang kauna-unahan sa Asia at sa buong mundo na nagpatupad ng lockdown nang i-quarantine ang Wuhan City, kung saan lumitaw ang mga unang kaso, noong Enero para mapigilan ang pagkalat ng virus. Sa Southeast Asia, Vietnam ang unang nagpataw ng lockdown sa isa sa mga distrito nito noong Pebrero. (Tingnan ang Duterte inulit ang maling pahayag na una ang PH sa mag COVID lockdown sa Asia; Roque inulit ang maling pahayag na nauna ang ‘PH’ sa COVID lockdown sa Southeast Asia; Sa pangatlong pagkakataon, Roque inulit ang maling pahayag tungkol sa COVID lockdown)

Una nang ipinasailalim ni Duterte ang Metro Manila sa community quarantine noon lamang Marso 12. (Tingnan ang TIMELINE: PH GOV’T INITIAL RESPONSE TO COVID-19; Understanding ‘community quarantine’ and ‘social distancing’ policies)

Hindi rin totoo ang sinabi ng pangulo na kanyang pinatawag ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) “kaagad … agad agad” pagkatapos ng babala ng World Health Organization (WHO) tungkol sa “mapanganib, mabilis na kumalat ” na virus. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte mali sa COVID-19 response timeline, kasaysayan ng pandemic)

Naglabas ng unang babala ang WHO sa tinukoy nitong “kumpol ng mga kaso ng pulmonya” sa Wuhan sa isang tweet noong Enero 4, na sinundan ng isang ulat ng balita ng pagsiklab ng sakit kinabukasan. Noong Enero 9, sinabi nitong natukoy nito ang sanhi ng pagkalat ng pulmonya na isang novel coronavirus. Kasunod nito, noong Enero 10, naglabas ang WHO ng isang “national capacities review tool” upang tulungan ang mga memeber-state na “mas maunawaan ang [mga] mayroon nang mga kakayahan sa larangan ng pagtuklas at pagtugon sa novel coronavirus na zoonotic at sanhi ng respiratory disease.”

Ang IATF-EID ay unang nagtipon para sa banta ng novel coronavirus noong Enero 28.

Duterte, mga alter-ego gumawa ng maraming mga kontradiksyon sa pagtugon sa COVID

Ang COVID-19 pandemic ay hindi taliwas sa dati nang ginagawang mga flip-flop at magkakasalungat na pahayag ng Duterte Cabinet. (Tingnan ang VERA FILES FAyeCT CHECK YEARENDER: The Duterte Cabinet’s flip-flops and contradictions in 2019)

Panoorin ang video na ito:

Tingnan ang mga kaugnay na fact check:

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.