Habang nagkukumahog ang gobyernong Duterte upang tugunan ang mabilis na pagkalat ng novel coronavirus o 2019-nCoV, inihayag ng Department of Health (DOH) noong Peb. 5 ang ikatlong kumpirmadong pasyente sa bansa: isang 60 na taong gulang na turista mula sa Wuhan City, China , ang sentro ng pagsiklab ng virus.