Inulit na naman ni Pangulong Rodrigo Duterte, na kamakailan ay inilarawan bilang isang "makabagong Lapulapu" ng kanyang tagapagsalita na si Harry Roque, ang hindi napatunayang pahayag na ang Mactan chieftain na namuno sa 1,500-kataong hukbo nang talunin ang mga explorer ng nagsisilbi sa Espanya noong 1521 ay isang mandirigmang Tausug. Hindi bababa sa 20 beses na itong sinabi ni Duterte.