Sa pitong bahaging seryeng ito, ang VERA Files Fact Check ay naghanap ng mahalagang impormasyon tungkol sa mga piling kandidato sa pagkasenador upang matulungan ang mga botante sa pagpili ng iboboto. Kasama sa part 6 ng serye sina dating senador JV Ejercito, Chiz Escudero at Alan Peter Cayetano, at incumbent Sen. Leila De Lima, na nakakulong mula pa noong Marso 2017 dahil sa mga kasong may kinalaman umano sa droga. Si Cayetano, kung mahalal, ay makakasama ang kanyang kapatid na si Pia Cayetano sa Senado.