Ang pamilya Marcos ay hindi ipinatapon nang walang dala. Noong 1986, kinuha ng United States Customs Services ang mga set ng alahas, na tinaya noong 1991 ng Christie’s auction house na nagkakahalaga ng $436,420 hanggang $559,630, na dinala ng mga Marcos sa Honolulu. Kilala bilang Hawaii Collection, ito ay ibinigay sa gobyerno ng Pilipinas noong 1992.